Chapter 8.5: Nicolaus POV

26 1 0
                                        

"Buti naman at nagkamalay kana."

Kersten?

"Nasan ako?"

Ugh! Ang sakit ng katawan ko.

"Sinugod ka namin ni Adel dito si clinic ng parents ko. Mahirap na kung sa hospital ka pa namin dalhin madami pa dung tanong eh."

Tiningnan ko naman ang wall clock nila. Pasadong alas diyes na pala ng gabi.

"Ano bang nangyari Nicolaus? Si Aldrich ba ang nag-utos na bugbugin kanila? Hindi ba't magkaibigan kayo? Bakit niya yun nagawa sayo?"

Sunod sunod na tanong ni Kersten. Sumakit tuloy yung ulo ko. Pero okay lang deserve ko naman to kaya wala akong karapatan para magreklamo.

"Sorry Kersten."

Sana mapatawad pa niya ako.

"Sorry saan?"

Ikwenento ko nga sakanya yung ginawa kong pagtraydor kay Aldrich at ang pag spy sa grupo nito. Simula sa pagdala ko sakanya sa party, hanggang doon sa pag text ko sakanyang pumunta sa resort at gawing pain ni Spade.. Sakatunayan nagsisisi na ako ng mga oras na humiling ako kay Aldrich. Nakokonsensya na ako nung mga panahon na yun.  Lalo na damay si Kersten na wala namang kasalanan at may mabuting puso... Pero sinunod ko pa din si Spade dahil mas nangibabaw yung takot ko sakanya sa pwede niyang gawin sa akin at sa taong mahal ko.

"Naging selfish ako. Hindi ko inisip yung taong maapektuhan sa ginawa ko. I'm really sorry Kersten.

Naiiyak kong sabi dito.

"Tingin mo ba Nicolaus mapapatawad ka pa ng kapatid ko matapos mo--"

"Naiintindihan kita Nicolaus. Nagawa mo lang yun para protektahan yung taong mahal mo."

"Adel! Ano bang pinagsasabi mo?! Muntikan ka ng mamatay sa ginawa ng lalaking to e! Di mo ba nakita sinakripisyo niya yung buhay mo para sa kalandian niya?"

"Pewee, buhay pa din naman ako. Kaya kalimutan nalang natin yun."

"Kalimutan?! Adel naman!"

"Pangako Kersten, hindi na yun mauulit. Puputulin ko na yung kung ano man meron samin ni Claudia. Kakalimutan ko na siya at itong nararamdaman ko sakanya. Narealize ko na mas hindi ko kaya na mawalan ng tunay na kaibigan... Sobra akong nasaktan sa tingin na binato sakin ni Aldrich kanina...puno yun ng galit at pagka-disgusto."

"Bagay lang yun sayo! Kung hindi lang ako naaawa sa lagay mo ngayon aba baka kanina pa kita sinipa palabas nitong clinic!"

"Sorry Pewee."

Tiningnan ko naman si Adel na ngayon ay tahimik lang sa tabi.

"Uhm,  Adel okay ka lang?"

"Sa totoo lang hindi. Medyo nasobrahan kasi ako sa mga nasabi ko kanina kay Aldrich. Below the belt na ata yung mga binitawan kong mga salita. Nadala kasi ako sa emosyon ko."

Nalulungkot na sabi nito.

"Huwag ka ng malungkot diyan. Hayaan mo gagawin ko ang lahat para magkaayos kami ni Aldrich."

"Kung magka-ayos pa kayo!"

Grabe talaga ang inis nitong isa sa akin oh.

"Mabuti pa Adel, bilhin na natin yung rinesetang gamot sayo ni Mama habang bukas pa yung pharmacy sa labas. Nang sa ganon mapabilis na yang pag galing ng binti mo."

Nakita ko naman ang nakabenda nitong binti. Oo nga pala malakas yung pagkakatulak nung gago na yun sakanya kanina. Humanda yun sakin!

"Uhm, sige Nicolaus. Lalabas muna kami ni Pewee saglit. Magpahinga kana muna diyan."

"Hindi na Kersten. Sa bahay nalang ako magpapahinga. Papasundo na ako ngayon sa driver namin ng makapahinga na din kayong dalawa. Nakakaabala na akong masyado."

"Tama! Good idea, Nicolaus."

Sabi ni Pewee sabay roll eyes nito. Kanina pa to ha. Sarap tusukin ng mata e!

Ilang sandali nga ay dumating na din yung driver namin. Hinatid na nga ako nito pauwi. Sakto paguwi ko tulog na ang mga magulang ko kaya may oras pa ako maghanda para sa mahabahabang sermon para bukas. Atleast ngayon makakapagpahinga na ako.

Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Claudia calling...

Hindi. Tama na self. Kahit mahal na mahal mo siya hindi ka dapat magpakatanga ng ganito sakanya. Piliin mo naman ang sarili mo. Piliin mo naman ang mga tunay na nagmamahal sayo.

And I start composing a message...

-Stop calling me. I'm finally choosing myself, Clau. Thank you for the seven wonderful years, be happy.-

*****

"Sige na Trevor. Tulungan mo naman kami ni Aldrich na magkaayos."

Pagmamakaawa ko dito simula pa kanina. Isang araw na din ang nakalipas at kahit papano ay umokay okay na ang pakiramdam ko.

"Hoy Nicolaus malaki kana. Kaya mo na yan!"

"Trevor naman."

Paawa effect ulit.

"Tss, pasalamat ka nga't binisita pa kita at nagawang kausapin."

Binisita? Eh nakikain lang naman siya dito sa bahay.

"Ayaw mo bang mabuo ulit ang pagkakaibigan natin?"

"Alam mo Nicolaus, problema niyo yan ni Aldrich. Ikaw ang gumawa ng paraan para magkaayos kayo hindi yung ako pa ang pinapaisip mo ng paraan para maging okay kayo. Ako ba ang may kasalanan ha?"

"Eh wala nga ako maisip na paraan!"

Nafu frustrate na ako dito! May isip ba talaga ko?

"Eh baka naman kasi walang paraan."

Aba bwisit to! Binato ko nga siya ng unan.

"Tsss, umuwi kana lang nga sainyo! Wala ka naman kwenta kausap."

"Atleast ako walang kwenta, ikaw walang utak?"

Tatawang sabi nito. Sinipa ko nga siya hanggang malaglag siya sa kama nakakabwisit na siya eh!

"Maayos naman yan sa matinong usapan. Alam ko naman matatanggap ka pa din nun ni Aldrich mas nauna nga kayong magbestfriend diba? Siguro palamigin muna natin ang ulo niya. Baka bukas okay na."

"Palamigin? Ilagay natin sa ref?"

"What the. Ewan ko sayo! Makauwi na nga lang. Nagsasayang lang ako ng oras makipagusap dito."

"Buti pa nga! Layas! Tsupi!"

Lumabas na nga ito ng kwarto. Tss.

Hayst Aldrich, ano bang pwede kong gawin para magkaayos tayo?

Hindi naman na siya yung bestfriend ko noon na mahilig sa matatamis na pagkain, hindi naman na siya yung mahilig maglaro ng basketball, at lalong hindi na rin naman siya mahilig maglaro ng  mga videogames. Nagbago na siya simula nangyari yung trahedyang yun sa buhay niya. Nakakalungkot lang at pinagdaanan niya yun. Naalala ko pa yung mga oras na kinomfort namin siya. Halos pagtulakan niya na kami sa buhay niya pero hindi pa rin namin siya sinukuan. He's our bestfriend after all.

Hayst, nakakamiss lang ang dating Aldrich. Babalik pa kaya yun? Yung dating masaya at puno ng pagmamahal na Aldrich?

Aha!

Alam ko na!

"Magpapatulong ako kay Victoria! Alam kong hindi niya kayang tanggihan si Vic."

-

My KryptoniteWhere stories live. Discover now