Prologue

172 3 0
                                    

Pilit kong pinapapakitang matapang ako sa harap niya. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko kahit babagsak na. Pilit kong linalakasan ang loob ko kahit ang sakit sakit na.

"Mangako ka."

"Oo pangako mahal ko, I will live my life for you."

Bakit kailangang mangyari pa ang bagay na to? Kung kelan okay na ang lahat, masaya na, wala ng sagabal, tapos sa ganito lang pala matatapos ang lahat? Naging mabuting tao naman kami ha. Bakit kailangang parusahan pa kami ng ganito?

"Bakit siya pa? Bakit hindi nalang ako?"

Ang dami kong tanong, pero wala parin akong nakukuhang sagot. Nakatingin lang ako dito at nakaluhod.

My KryptoniteWhere stories live. Discover now