Chapter 2.5: Adel POV

61 3 0
                                    

"Wow kapatid, mukhang continous na ang pagiging present mo sa klase ha. Nice."

Sana nga. Magtuloy-tuloy na. Natapos nga ang morning class ko na punong-puno ng take notes ang laman ng notebook ko. Alam niyo na kailangang bumawi.

"Kersten!"

Nagulat nalang ako ng paglabas ko sa classroom ay sinalubong ako ng pamilyar na yakap. Agad rin naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Tumabi nga kami para makadaan ang mga estudyanteng kalalabas lang mula sa kani-kanilang classroom.

"Kumusta ka na my long long long lost cheatmate?"

Nakakamiss naman talaga ang playful smirk ng lalaking ito.

"Okay naman ako. Ikaw ba?"

Masigla kong sagot sakanya.

"Eto kagagaling lang sa break-up."

"Ano pa bang bago sa buhay pag-ibig ni Nicolaus Helium?"

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Namiss kita alam mo yun!"

Wala pa rin siyang pinagbago.

"Ako namiss mo? Maniwala."

Nabigla nalang ako ng I-pinch niya ang tip ng ilong ko which is lagi naman niyang ginagawa noong mga panahong magkasama pa kami.

"Oo nga kasi miss na miss na miss na kita. Pakiss nga!"

Kinurot ko naman sa tagiliran ang kumag.

"Eto naman parang linalambing kalang! Osya, mauna na ko. Malelate na kasi ang Gwapo sa klase niya. Ingat ka, love you Kersten."

Tumalikod na nga ito at naglakad palayo. Napansin ko naman na nagkashape ang dating petite niyang katawan. Nagkakilala nga pala kami sa isang minor subject.

FLASHBACK.

"Ahm, excuse me po. May nakaupo na po ba dito?"

Umiling lang ito saka umiwas ng tingin sa akin.

"Okay class, get 1 whole sheet of paper."

Linabas ko nga ang pad paper ko. Namigay din ako sa ibang walang papel.

"Pahingi naman ako."

Binigyan ko nga siya na kanya namang pinagpasalamatan.

"Number 1 to 5, enumerate the five importance of Sociology."

"Pano naman yung number 3 and 4?"

Napakunot naman ako ng noo sa pabigla-biglang pagrereklamo niya.

"Hindi ata marunong magbilang ang Prof. natin! Tss, so stupid!"

Sa hindi ko malaman na dahilan ay napatingin ako sa papel nito. Ganito po ang nakasulat:

1.

2.

5.

Akala niya siguro ganyang ang ibig sabihin ng 1 to 5.

"Pagaya na nga lang ako. Wala rin naman akong maisasagot."

Saad niya habang nakabusangot ang mukha. Pinakita ko nga sakanya ang sagot ko at mabilis naman niya itong kinopya. Nang matapos ang Quiz ay kinausap nanaman niya ako.

"Salamat ha. Nicolaus Helium nga pala. Gwapo na cute pa."

Abot niya ng kamay sa akin.

"Adeline Kersten Lead."

Masiglang sabi ko sakanya.

"Mas bagay sayo yung Kersten. Kasing cute kagaya mo."

Sabay pinch niya ng tip ng ilong ko.

My KryptoniteWhere stories live. Discover now