Chapter 4.5: Adel POV

39 4 0
                                    

Mukhang napasarap ang tulog ko. Thank you Lord. And thank you for this another day. Bumangon na nga ako at mabilis na naligo at inayos ang aking sarili.

"Good morning Adel. Happy birthday!"

Salubong sakin ni Sister pagkababa ko palang ng hagdan. Yinakap naman niya ako ng pagkahigpit higpit.

"Mamimiss ka namin, Adel."

"Bakit sister saan po kayo pupunta?"

Nakangiti lang ito pero alam ko na may lungkot siyang dinadaramdam. Ano kayang meron?

"Mabuti pang magalmusal kana bago ka pa mahuli sa klase mo."

Tumango nga ako at inumpisahan ng kainin ang mga hinanda niyang almusal.

"Puro pampahaba ng buhay tong mga handa natin ha."

Natawa naman sila sa sinabi ko. Pagkatapos ko ngang mag-almusal ay nag-attend muna ako ng misa sa simbahan. Binati rin ako ng mga Father dun.

"Dalaga na nga ang anak ko."

"Eto naman si Father Bernie papaiyakin pa yata ako."

Tatawang ginulo lang niya ang buhok ko at yinakap rin ng sobrang higpit. Ang sarap talaga ng yakap ng mga pamilya ko dito sa simbahan. Nagpaalam na nga ako at lumabas na na ng simbahan ng may bumusinang kotse sa likuran ko. Bumaba naman ng sasakyan ang driver nito.

"Good morning Kersten. Happy birthday."

Nakangiting wika ng isa sa mga paborito kong tao. Napayakap naman ako sakanya.

"Naalala mo pa pala."

"Kersten, slow poke lang ako, hindi ako ulyanin."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Nagulat naman ako ng may kunin itong isang stick ng rose galing sa likuran niya. Pero mas ikinagulat ko ng may bumaba sa kotse niya at yun ang pinakamamahal kong bestfriend.

"Happy birthday kapatid!"

Yakap sakin nito ng mahigpit.

"Bwisit yang si Nicolaus, gisingin ba naman ako ng pagkeaga aga para lang batiin ka namin, gusto raw kasi niya na kahit hindi man siya ang unang bumati sayo e kahit pumangalawa nalang daw siya. Kaya heto kami, inabangan at hinintay kang makalabas."

Napangiti naman ako sa effort nitong dalawa.

"Pano ba yan Nicolaus, ang dami ng bumating madre at padre sakin sa loob. Hindi ko na malaman kung pang-ilan ka."

Biro ko dito.

"Okay lang yun Kersten. Counted naman sila as one. So pangalawa parin ako. Happy Birthday ulit!"

Sabay pinch niya ng ilong ko.

"Tara sumabay ka na samin papuntang school. Ayaw naman naming palakarin ang birthday celebrant sa kanyang espesyal na araw."

Pinagbuksan nga ako nito ng pinto at pinaharurot na ang kanyang sasakyan patungong Nobelium.

Halos atakehin naman ako sa puso ng pagpasok ko ng classroom ay salubungin ako ng mga party pooper pero petals ng rosas ang mga nasa loob. Iba talaga ang level ng creativity ng mga kaklase ko. Isa isa nga nila akong binati at pati na rin si Prof na napapayag nila para wala na raw kaming pasok ngayon.

"Naku maraming salamat sainyong lahat ah."

Nakakatuwa naman na kahit hindi ko kaclose ang iba sakanila ay pinararamdam nilang espesyal ako ngayong birthday ko.

"Siyempre naman Adel pero hindi namin to magagawa kung wala ang tulong ng iyong, Angelbear."

"Happy birthday my Angelbear."

My KryptoniteWhere stories live. Discover now