Chapter 1.5: Meet HIM

115 4 0
                                    

Aldrich Olin Krypton. Kilala bilang the Rule Breakers ng paaralang Nobelium. Siya rin ang namumuno sa kilala at kinakatakutang Grupo na tinatawag na 'Devil Lords'. Sikat rin ang binata mapaloob at labas ng Unibersidad. Palibhasa'y Valedectorian ito sa kalokohan at katarantaduhan. Walang araw o kahit maging minuto na hindi ito napapasabak sa away. Ginawa na rin niyang tambayan ang Detention Room ng paaralan.

"Aldrich. Ano bang problema mong bata ka ha? Simpleng Instructions, Rules and Regulations ng University hindi mo pa masunod. Ilan pa bang estudyante ang kailangan kong dalhin at sustentuhan sa Hospital ng Uncle Nickel mo hah? Kulang na lang pati Funeral sagutin ko pa!"

Singhal ng Mommy nitong nakapameywang. Walang pakialam na itinuloy lang ng binata ang paglalaro niya ng Xbox.

"Aldrich Olin Krypton! Kinakausap kita. Sumagot ka!"

Hysterical na wika ng kanyang Ina.

"Kanina ka pa ba diyan?"

Napafacepalm nalang ang Ina nito sa naging sagot niya. Eksakto namang dumating ang Ama nito at narinig ang kanyang sinabi.

"Aldrich. Treat your Mom with respect!"

Maawtoridad na wika nito.

"I don't give respect Old hag, she must earn it first."

Poker face na wika nito. Bumangon na rin siya sa kama at akmang lalabas ng kwarto ng higitin ng Daddy nito ang kanyang braso.

"Umuwi kami ng Mommy mo para makausap ka ng maayos at hindi makipaglokohan sayo. Sabihin mo nga sa amin Aldrich. Ano bang pagkukulang namin sayo ng Mommy mo at nagkakaganyan ka? Halos naman lahat ng gusto mo ibinigay namin. Pati nga luho mo pinagbigyan namin! Ano pa bang gusto mo ha? Kasi kami ng Mommy mo hindi na namin alam kung ano pa bang dapat naming gawin sayo. You're such a hard-headed jerk."

Sa halip na mainis si Aldrich ay tumawa lang ito.

"Then shut me out or killl me. It's your choice anyway."

Matapang na sagot nito.

"That's enough! Tara na Dad, may appointment pa tayo."

Hila ng Mommy nito sa kanyang Daddy. Obvious naman kasing nagkakaroon na ng tensyon sa pagitan ng mag-ama. Kitang kita rin na kahit magulang ng binata ay walang laban sakanya.

@Cilantro Resto Bar. Tambayan at Inuman ng mga Elite students ng Nobelium. Halos suki na rin dito ang tropa ni Aldrich.

"Dude, kanina pa nakatingin sayo yung chicks oh. I think she's flirting with you."

Pangisi ngising wika ni Trevor Cadmium. Isa sa matalik na kaibigan ni Aldrich. Ubod ng kalandian meron ang lalaking ito.

"Scoop her eyeballs out."

Napakurap naman ang dalawa niyang kaibigan sa sinabi nito.

"Mga bingi ba kayo?!"

Giit nito.

"Ako hindi. Ewan ko lang kay Trevor. Kalilinis ko lang kaya ng tenga ko kaninang umaga."

Wika ni Nicolaus Helium. Ang slowpoke naman nitong kaibigan.

"Chill Al. Nakaalis na yung babae. Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? May problema ka ba?!"

Matapang na wika ni Trevor.

"They're back."

Napatango nalang ang dalawa nitong kaibigan sakanya. Alam kasi nila kung gaano kinasusuklaman ng binata ang mga magulang nito.

My KryptoniteWhere stories live. Discover now