Chapter 9.5: Adel POV

30 1 0
                                    

Maaga nga kaming bumalik ng Manila ni Aldrich. Siguro kung hindi ako nagising at nakita siyang nag-aayos ng gamit, malamang iiwan ako ng lalaking to.

Nasa biyahe parin pala kami ngayon. Hindi naman niya ako kinakausap. Kahit nga tapunan lang ng tingin, wala. Napakasnobero talaga ng Aldrich na to.

"Siopao kayo diyan! Mainit init pa."

Kumulo naman yung tiyan ko pagkarinig ko nung pagpasok ng nagbebenta sa bus. Kinuha ko nga yung wallet ko.

"Manong, dalawa po."

"50 pesos po."

Inabot ko nga ang bayad sakanya.

"Aldrich, gusto mo?"

Pag-aalok ko dito. Nakatingin lang naman siya malayo. At alam kong naririnig naman niya ako.

"Uy."

Okay, mukhang ayaw niya. Sinubo ko na nga yung siopao na binili ko.

"Mmm. Ang sarap!"

Grabe ang sarap naman nitong siopao ni Manong. Dapat bumili pala ako ng madami para matikman din ni  Pewee.

Kruuuuuu.....Kruuuu....Kruuuu...

Nahinto naman ako sa pagkain ng may narinig akong tunog ng tiyan.

"Walang hiya hiya sa taong gutom uy. O ayan."

Tatawa kong sabi sabay abot ko kay Aldrich ng isang siopao. Mas lalo naman akong natawa ng kinuha niya to. Nagugutom din pala ang isang to. Siyempre Adel, anong akala mo sakanya Alien?

Pakiramdam ko magiging close kami nitong si Aldrich.

"Tssss, anong masarap dito?"

Pakiramdam ko lang ata yun.

"Masarap kaya! Di mo ba naappreciate? Alam mo pasalamat nga tayo at may nakakain pa tayo, di tulad nung ibang mga bata diyan na halos wala ng makain."

"So kasalanan ko na wala silang kinakain?"

"Teka kinakausap mo ba talaga ako? Hindi naman ako nanaginip diba?"

Nakakatuwa naman.

"Tsss."

"Hehe. Uhm, Aldrich sana mapatawad mo na si Nicolaus. Alam ko na pinagsisihan naman niya yung ginawa niya sayo at sa akin. Sana mabigyan mo siya ng pagkakataon na ayusin at ibalik ulit yung pagkakaibigan niyo."

"Could you just shut your f*cking mouth?"

"Alam mo huwag kang masyadong masungit. Ang iksi lang ng buhay sa mundo, tapos sayang yang ngiti mo. Ang ganda pa naman ng ngipin mo."

Teka teka teka! May mali ata sa sinabi ko?

Tiningnan ko naman kung ano ang reaksyon niya pero pag lingon ko ay nakatalikod na to sa akin at may tenga na sa headset. Hindi naman siguro niya yun narinig. Nakakahiya kung nagkataon. Hindi lang kamo nakakahiya, kundi nakakatakot pa.

******

"Hay, ang dami ko pa palang kailangan tapusin."

Titig ko sa mga nakabukas na libro sa lamesa ko.

Pewee calling....

"Hello?"

"Buhay ka pa pala? Ano ka ba Adel pinag-alala mo ako! Hindi kita nakokontak kagabi ha!"

"Sorry kapatid."

"Hay, baka nakakalimutan mo may lakad tayo ngayon. Pupuntahan natin si Mr. Oxygen para sa interview sa thesis paper natin. Magformal attire ka, hindi biro yung iinterviewhin natin."

My KryptoniteWhere stories live. Discover now