Chapter 7.5: Aldrich POV

23 2 0
                                    

"Dude, bakit mo naman hinayaang mag-isa si Adel?"

"Why? Who the hell is she?"

"Wala ka talagang puso dude! Kaibigan kaya namin yun."

"Hell sorry, she's not my friend."

Sabay hithit ko ng sigarilyo. Gusto kong matawa sa itsura ng dalawa. Na parang nawalan sila ng napakaimportanteng bagay sa buhay nila... Ganito ba talaga ang epekto ng babaeng yun sa mga kaibigan ko?

Sa totoo lang, may inutusan naman akong lihim na magbantay sa babaeng yun. Kahit papano gusto ko din na maging safe siya. Alang-alang dito sa dalawa niyang mga admirers.

"Dude, labas tayo after class."

"Pass ako. Kayo nalang."

"Ang killjoy mo naman dude. Hindi mo ba alam na birthday ko na bukas?"

"Oo nga dude. Salubungin natin ang birthday ni Nicolaus!"

"Tsss. Osige dude ganito nalang. If hindi ka sasama samin mamaya, tuparin mo nalang tong wish ko."

"Wish?"

"Dude, let's end this gang. Let's stop the fight."

"Then let's end your life also."

"Eh dude, di mo ba naisip na tumatanda na tayo? Hindi ba't kaimmature-an pa ang pakikipag-away? Atsaka gusto ko ng mamuhay ng normal. Hindi ganito na mamaya sasabak nanaman sa gulo o away. Di ka ba napapagod dun?"

"Alam mo na ang sagot ko diyan, Nicolaus."

"Dude! It doesn't make sense! You create this gang just to have a revenge to your own father?! Dude, he's your Dad after all!"

"Akala ko ba naiintindihan niyo ko? Akala ko ba alam niyo ang pinaglalaban ko?"

"Aldrich, sama ng loob yang nasa puso mo! Hindi yan karapat dapat--"

"Nicolaus, tama na."

"Happy birthday Nicolaus. But your f*cking wish is just a f*cking absurd!"

"Alam mo ang selfish mo Alrdich."

Hinigit ko nga ang kwelyo nito.

"Kung gusto mong mamuhay ng payapa, leave this group and forget me being your f*cking friend!"

Sabay tulak ko dito.

"Aldrich, sisirain mo ba ang friendship natin para lang sa gang na to? Hindi mo ba naiisip na nadadamay na yung mga taong mahal natin? Kung alam mo lang kung anong naramdaman ko nung nangyari yun kay Victoria. Paano kung mangyari din yun sa mahal mo o sa kapatid mo---"

"Hindi ko yan hahayaang mangyari, Trevor. At oo handa ko kayong isakripisyo na mga kaibigan ko. Kung ganyan din naman kayo na hindi niyo ko sinusuportahan!"

Umalis na nga ako at iniwan sila. Hindi ko sila kailangan sa buhay ko. Higit salahat kaya kong mabuhay na wala sila. Ganun din naman sa huli, sarili ko lang ang meron ako.

FLASHBACK.

"Daddy. Tama na po...."

"Kailangan ko tong gawin sayo Olin! Kailangan kong ipamukha sakanila na kahit anak ko walang laban sakin!"

"Daddy nakikiusap ako. Tama na po..."

Mangiyak kong sabi habang dito ako sa madilim na lugar na hindi ko alam. Nakagapos at hinang hina ang katawan.

"Gagamitin ka nila bilang kahinaan ko. Kaya kailangan ko tong gawin."

Bakit ganito? Naging mabuti naman akong anak sakanila. Sinunod ko naman ang gusto nila. Ginawa ko ang lahat para maging masaya at proud sila sakin. Pero bakit kailangan humantong sa ganito?

"Daddy nagmamakaawa ako. Tama na po."

"Naiinip na kami Alfonso!"

"Daddy wag po!!!"

Naramdaman ko nalang ang malakas na paghampas ng mabigat at mainit na kadena sa katawan ko. Hampas na hindi ko na mabilang hanggang mawalan ako ng malay.

At sa oras na yun, kinalimutan ko na may ama ako. Masakit pero mas masakit na trinato niya akong parang hayop at hindi bilang anak.

END OF FLASHBACK.

Sa tuwing naalala ko ang pangyayaring yun, galit at poot lang ang nararamdaman ko. Habambuhay nilang pagsisihan ang ginawa nilang yun sakin.

Tinapon ko nga ang kapeng iniinom ko.

Unknown number calling...

"Hello?"

"Kumusta Krypton?"

"Sino to?"

"Hahahaha! Hulaan mo."

"Wala akong oras makipaglaro sayo Spade."

"Hahahah. Ganun ba? Ako kasi ang dami kong time. Haha. Nga pala, hawak ko ngayon yung girlfriend mo."

Girlfriend?

"Pinagloloko mo ba ko?"

"Ano nga bang pangalan nito? Adeline? Tama ba pagpronounce ko? Hahaha!"

"Wala akong kilalang Adeline."

"Hahaha. Ako ata pinagloloko mo! Eh walang kwenta nga yung inutusan mong magbantay dito! Haha! Mahina kasing hina mo! Hahah!"

"Tsss. Wala akong pakialam. Bahala ka kung anong gusto mong gawin diyan."

"Talaga? Edi masaya! Mukhang fresh pa to. Hahaha!"

Gago!

Hinold ko nga ang tawag at nag another call ako.

"Hello Zeus. I need the location of this f*cking bastard. Track its GPS."

-





My KryptoniteWhere stories live. Discover now