Chapter 3.5: Aldrich POV

51 3 0
                                    

"San ba kayo galing dalawa?"

Tanong ko sa dalawa kong kaibigan na kanina ko pa hinahanap at pinapahanap.

"Naglunch kami Al! Ikaw nananghalian ka na ba?"

Ayoko ng paligoy-ligoy kaya diniretso ko na sila.

"Ano ba tong kumakalat na kalandian mo Trevor?"

Pakita ko sakanya ng sample na poster na pinapakalat ng lalaki na to sa Campus.

"Dude, hindi kalandian yan. That was crazy little thing called love."

Naginit naman ang ulo ko matapos kong marinig ang salitang yun. Love your ass!

"Naturingan pa naman kayong Assistant Leader ng Grupong ito. Tapos kikilos kayo na parang ang lambot lambot niyo sa babae. Ano kayo under de saya?"

Mabuti ng habang maaga ay matauhan na ang dalawang ito.

"Anyways, ayokong masayang ang oras ko dahil lang sa issueng ito. Bukas na ang laban natin sa kabilang eskwelahan. Kailangan nating manalo. I need to win and get that cheap price."

"Price ng ano? Baboy ba o Manok? Basta 150 isang kilo ng isda."

Napasabunot nalang ako ng buhok sa katangahan mayroon ang Nicolaus na to. Minsan hindi ko malaman kung paano ko to naging kaibigan.

"Kailangan ko ang perang mapapanalunan natin...Ipapambayad ko yun sa tuition fee ko para matapos ko ang semester na to. I need to prove something."

Napalitan naman ng awa ang mga mukha nila.

"Damn! Stop looking me like a sicko. I'm trying to be independent here okay!"

Maya maya ay nagsidatingan na nga ang isang daang at humigit kumulang na miyembro ng Devil lords. Inumpisahan na nga namin ang madugong ensayo.

"Okay, attention everyone!"

Masasabi kong hindi magiging madali ang laban namin sa Gallium. Malalaki sila kumpara sa mga kamember ko.

"20 push ups, 20 crunches, 2min plank. Repeat 10x! Now!"

Sabay sabay nga nilang sinunod ang sinabi ko.

******

"Dude, sure kabang ayaw mong sumabay?"

"Sige na umuwi na kayo, I can manage. Walking is exercise, remember?"

Napatango nalang ang dalawa at pinaharurot na ni Trevor ang kanyang sasakyan. Iumpisahan ko na nga ang paglalakad ko. Pasadong alas diyes na ng gabi ng kami'y natapos sa practice. All I can say that everyone did a great job!

"Olin?"

Napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa aking pangalawang pangalan.

"Kumusta ka na handsome?"

Wika nito na may signature smirk pang kasama.

"Okay lang naman, Victoria."

Namalayan ko nalang na nasa harapan ko na pala siya.

"Uh. Uh. You forgot my first name, Handsome."

"My Apologize Gorgeous."

Victoria Cadmium is one of my closest friend since childhood, kapatid rin siya ni Trevor. Bale masasabi kong parte siya ng alaala ko nung mga panahong masasabi kong ako pa'y mahina at puro kabutihan lang ang pawang alam.

"Dinner?"

Tanong niya na tinanguan ko naman. Dumiretso nga kami sa pinakamalapit na fastfood chain dito sa Nobelium.

My KryptoniteWhere stories live. Discover now