"Pre! Kanina pa may chicks dun sa labas."
"Oo nga eh. May hinihintay ata pero mukhang hindi naman siya sisiputin."
"Tara! Chansingan natin. Haha!"
Tatawang sabi nitong mga loko loko sa katabi kong mesa. Eh kung turuan ko kaya ng leksyon ang mga kamanyakan nito!
Tanaw ko nga dito sa inuupuan ko si Adel na nasa labas. Naiilawan rin kasi ang pwesto niya. Wala ba siyang balak umuwi nalang? Hihintayin ba niya talaga ako? Ganun ba siya kaseryoso sa paghingi ng tawad? Eh no big deal na rin naman yun sakin. Sanay na akong makarinig ng mga ganung salita tungkol sakin. Tss.
Nakita ko ngang lumapit sila sa pwesto ni Adel. Nagpakilala pa ang mga loko. Ininom ko nga ang natitirang beer sa lamesa ko at pinuntahan yung mga gago.
"Miss, mukhang hindi naman na darating yung hinihintay mo, sumama ka nalang samin. Diba pre?"
"Oo nga miss. Masarap kaming kasama."
"Oo nga eh. Ang sarap niyong pagsusuntukin."
"Aldrich!!!"
Tumakbo nga ito palapit sakin. Takot din pala tong babae na to, edi sana umuwi nalang siya kanina pa.
"Pre, syota mo ba? Aba kung ayaw mo sakanya, ibigay mo nalang samin. Hindi yung paghihintayin mo dito sa labas."
"Oo nga pre. Mukhang wala naman sa taste mo yang itsura ng babae eh. Bibigyan ka nalang namin yung---"
Tinapunan ko nga yung gago ng sunod sunod na suntok. Maya maya nga'y lumabas na rin sa bar yung ibang kauri nito.
Nice. Mapapasabak pa ata ako.
*****
"Aldrich. Sandali naman oh."
Panay sunod pa din tong babae na to sakin.
"Aray!"
Huminto nga ako at tiningnan kung ano ng nangyari dito. Ngayon ko lang napansin na nakabenda pala ang binti nito.
"Tatawag ako ng taxi. Ipapahatid na kita sainyo."
"Pano ka? Atsaka ayoko magtaxi. Delikado kaya magtaxi pag gabi sabi ni Father. Mamaya kung san pa ko nito dalhin."
"Ako hindi ba ko delikado sayo?"
Tiningnan ko nga ito ng matalim.
"May tiwala ako sayo Aldrich."
Nagulat naman ako sa naging sagot niya. Pinapahirapan ba talaga ako ng babaeng to?
"Ahm san ka ba pupunta? Di ka pa ba uuwi?"
"Sa tingin mo may balak akong umuwi?"
"Eh saan ka pupunta ng ganitong dis oras na ng gabi?"
"Ano bang paki mo? At bakit ba ang dami mong tanong?"
"Sasama nalang ako sayo. Di ko alam kung paano ako uuwi e."
Kaya naman pala.
Di ko na nga siya kinausap at naglakad nalang ulit.
*****
"Kaninong bahay to?"
Tanong nito pagkapasok namin sa bahay na binabakasyunan namin noon ng plastik kong pamilya. Buti nalang may nakatago akong susi nito.
"Teka, isa lang ang kwarto dito? San ako matutulog?"
"Sa sahig."
"Nakakatawa yun. Haha!"
"Do I look like I'm joking?"
"Dito nalang ako sa sofa. Ikaw na sa kwarto para makapagpahinga ka ng maayos."
Di ko na lang nga ito sinagot at pumasok na sa kwarto.
"Aldrich sandali!"
Nagulat naman ako ng harangin ako nito papasok ng kwarto. May kinuha ito sa bulsa niya. Umiwas naman ako dahil masyado na kaming malapit sa isa't isa. Pero nabigla ako ng lumapit pa siya lalo.
"What---"
Nailagay na nga niya ito sa labi ko. Hinawakan ko nga kung ano to.
Band-aid. Tss.
"Buti nalang palagi akong may dala nito. Hehe. Malakas siguro pagkakasuntok sayo nung mataba kanina, nasugatan ka tuloy."
"Tabi nga diyan."
Pagtutulak ko sakanya palabas ng kwarto. Malakas ata ang pagkakatulak ko kung kaya't napaupo siya sa sahig.
"Okay lang ako. Hehe."
Saad nito na mukha namang nahihirapang tumayo... Ibang klase talaga. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagkusa nalang ang katawan ko na tulungan ko siyang makatayo at sabay inuupo sa sofa. Nadala siguro ako ng awa nung pagkakita ko sa nakabenda niyang paa.
"Ang tigas ng ulo mo. Ang sarap pukpukin."
Yan nalang ang nasabi ko dahil nafufrustrate ako sa nararamdaman kong kakaiba sakanya...
Ano bang nangyayari sayo Aldrich? Bakit ba naawa ka sa babaeng to? Bakit mo ba siya tinutulungan?
"Bakit may malambot bang ulo?"
Tsss. Nagawa pa niyang magpatawa sa sitwasyon na pinagdadaanan niya ngayon.
"Matutulog na ako. Get rest."
"Sandali may tanong pa ko!"
Pagpipigil nito sa braso ko na hinigit ko naman kaagad. Ano bang problema niya?
"Ininom mo ba yung tsaa na dinala ko sayo kaninang umaga? Masarap ba? Sabihan mo lang ako kung nagustuhan mo para igagawa pa kita."
"No."
Diretsahan kong sagot para tumahimik na siya. Dumiretso na nga ako ng kwarto at nagpahinga na. Nakakapagod ang araw na to...Gusto ko lang naman mapag-isa at makapag isip kaya bumisita ako dito, pero tong babae na to napakalaking istorbo....
Pero.......heto naman ako nagpapaistorbo.
-

YOU ARE READING
My Kryptonite
Diversos"Sa lahat ng lakas ko, ikaw ang kahinaan ko."- A love story of a gangster. #2/12 "weakness" 11/02/2018