Sirang sira na nga ang araw ko. Una ang puspusang Training namin sa mga bagong miyembro ng Devil Lords. Sa itsura'y akala mo'y magaling, yun pala'y mga slow learners din. Napilitan tuloy akong tanggalin ang mga walang kwentang miyembro na yun. Idagdag pa yung bwisit kong katabi sa bullsh*t na Remedial na yan. Sarap lagyan ng duck tape ang bibig.
"Asan si Nicolaus?"
Paghahanap ko kay Trevor habang umiinom kami sa Cilantro Resto Bar.
"Ayun nagmumukmok sa bahay nila. Broken hearted parin yung mokong."
Natatawang sabi nito.
"Call him. Sabihin mo within 2 minutes dapat nandito na siya."
Agad naman nitong sinunod ang utos ko. Ilang sandali lang ay nasa harapan ko na nga ang taong pinaguusapan namin kanina.
"Kailan pa naging 5 minutes ang 2 minutes?"
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at ibinuhos ang beer sa kanyang mukha.
"Baka sakaling matauhan ka."
Pasadong alas dos na ng madaling araw ng ako'y makauwi sa amin. At kita mo nga naman gising pa ang mga tao sa bahay.
"Bakit ngayon kalang? Hindi ba sabi ko 9pm ay dapat nasa bahay kana? O anong oras na?"
Bulyaw nito na dinig hanggang kisame.
"Stop treating me like a kid, Old Hag."
Naramdaman ko nalang ang malakas na pagbagsak ko sa sahig at ang pagdurugo ng gilid ng labi ko. Mabilis naman akong nakatayo.
"Pft. Ang hina naman nun parang suntok lang ng langgam."
Akmang susugurin pa sana niya ako ng pigilan siya ng magaling niyang asawa.
"Dad, Calm down."
Napahikab nalang ako sa antok. It's bore me to bone.
"Ang gusto ko lang naman ay sundin at respetuhin mo kami ng Mommy mo. Pero ni simpleng bagay na yun ay hindi mo pa magawa."
Sambit nito na halos umuusok na ang ilong sa galit.
"Simula ngayon hindi ka na parte ng pamilyang ito. Kalimutan mo na rin na may ama ka. Hindi nababagay ang bastos mong pag-uugali sa bahay na to. Lumayas kana at huwag ka ng babalik hanggat di mo naayos yang buhay mo!"
Sabay tulak nito sakin palabas.
"Dad, No please. Huwag mong gawin to kay Aldrich. Nakikiusap ako."
Pagmamakaawa ng asawa niya habang yakap yakap siya.
"Sorry Wife. Its's now or never. He need to learn from his mistake."
*
*
*
"Ayaw mo ba talagang magstay sa amin Al? Pwedeng-pwede ka naman dun."
Gasgas na tanong ni Trevor. Kwenento ko kasi sakanila ang nangyaring drama kagabi. Inutusan ko rin siyang hanapan nila ako ng cheap na Apartment. Dineactivate ba naman ng magaling kong Ama ang lahat ng account na mayroon ako.
"O kaya samin nalang Al."
Suhestiyon pa nitong si Nicolaus.
"Pwede ba hindi ko kailangan ng awa't opinyon niyo, so will you please shut up?!"
Sandal ko sa pader ng kahahanap lang nilang cheap Apartment kanina.
"Eh Dude, wala ka man lang bang emosyon na naramdaman matapos ka nilang palayasin at pagtulakan palabas ng pamamahay niyo? Hinanakit sakanila? O kaya naman tampo?"
Sinindihan ko naman ang hawak kong yosi.
"Nicolaus, It's gotten to the point where I either feel no emotion or every emotion at once."
Napatango nalang sila sa sinabi ko. Maya maya ay nagpaalam na nga ang dalawang na mauna ng pumasok. Mga Early Comers ang mga yun eh. Eksakto namang pagdating ko sa Room ang pagbulung-bulungan ng mga duwag kong kaklase. Mukhang may alam na sila sa nangyari kagabi. Tinungo ko nga ang bakanteng upuan sa likod.
"Mr. Krypton. Kindly solve Problem Number 3 on the board."
Matapang na sabi nito.
"Inuutusan mo ba ko?"
"Sorry pero hindi ko na matotolerate ang pag-uugaling mong ganyan. Lalo na wala ka na raw suportang matatanggap mula sa magulang mo. And for your information, Major Subject ito. Pinapaalala ko lang."
Magsasalita pa sana ito ulit ng tumunog na ang bell at hudyat ng tapos na ang klase.
Tumayo na nga ako at naglakad palabas ng Room. Nakita ko naman si Nicolaus na inaayos ang gamit niya sa kanyang Locker.
"Teach that old man a lesson."
At dahil wala ako sa mood na pumasok sa sunod na subject ay naghanap nalang ako ng pagkakakitaan. Ako na rin naman ngayon ang bubuhay sa sarili ko.
*
*
*
"Anong ginagawa mo dito?"
Wika ko ng tumambad sa mukha ko ang magaling kong ina na ngayon ay nakatayo sa pintuan ng apartment ko.
"Hindi mo ba ko papapasukin?"
Binuksan ko ang pinto hindi para papasukin siya kundi ay makapasok at makaupo na ako. Sumunod rin naman ito sa akin. Bahala siya sa buhay niya.
"Sabihin mo na kung anong kailangan mo para makaalis kana."
Bagsak ko ng katawan ko sa sofa.
"Anak, san galing yang mga pasa mo sa katawan?"
Hindi nalang ako umimik at pinikit ang dalawa kong mata. Naramdaman ko nalang na may humawak sa aking pisngi kaya't napapitlag ako.
"ANO BA!"
Singhal ko dito.
"Sorry Anak. It's just..I missed you so much at hindi kita kayang tiisin kahit isang araw ka pa lang na nawalay sa amin.."
Napasinghap nalang ako sa kaartehan ng babaeng to.
"Sana tanggapin mo tong perang ibibigay ko sayo. Ako narin mismo ang humihingi ng tawad sa ginawa ng Daddy mo. Pagpasensyahan mo na siya Al."
Lapag nito ng sobre sa lamesa.
"Huwag kang mag-alala hindi niya alam na pumunta ako dito."
Kinuha ko naman ang sobre at marahang ibinalik sakanya.
"Kung akala niyo ganun lang kadali para mapalambot ang puso ko, pwes nagkakamali kayo. Hindi na ako ang dating Aldrich na mukhang tutang napapa-amo niyo. I've changed cause of hatred, woman."
-
YOU ARE READING
My Kryptonite
Overig"Sa lahat ng lakas ko, ikaw ang kahinaan ko."- A love story of a gangster. #2/12 "weakness" 11/02/2018