Chapter 4.5: Aldrich POV

52 3 0
                                    

"Ihatid mo na siya Trevor, ako ng bahala kay Nicolaus."

Maawtoridad kong sabi sakanya.

"Teka sandali, dadalhin niyo ba siya sa hospital? Sasama ako."

Mas lalo ko naman pinanliksikan ng mata ang pakialamerang babae na to. Sino ba siya sa akala niya? At bakit magkasama sila ni Nicolaus?

"Kersten, malayo to sa bituka. Sundin mo nalang si Aldrich, magpahatid ka na kay Trevor."

"Sige. Basta magpagaling ka ha."

"Tara na Angelbear."

Hila sakanya ni Trevor papasok ng kotse. Mukhang nakaramdam si Trevor na naiinip na akong mapaalis siya.

"Pano niyo pala nalaman kung nasaan ako?"

Tanong ni Nicolaus habang ginagamot nito ang sarili niya. Wala rin naman akong balak dalhin siya sa hospital. Wala ata yun sa bokabularyo ng aming grupo.

"I tracked your GPS."

Napatango naman siya sa sinabi ko.

Matapos ko siyang tawagan kanina upang ipaalam na nanghahamon nanaman ng laban ang Gallium ay nakaramdam ako na may possibility na siya ang sugurin ng mga gagong yun. Malaki nga talaga ang nagawang kasalanan sakanila ni Nicolaus.

"Hanggang ngayon ba naman, traydor parin ang turing nila sa akin? Kasalanan ko bang itransfer ako ng parents ko sa Nobelium? Tsk."

"Alam mo naman na hindi ka titigilan ng mga yun hangga't humihinga ka."

Mariin kong sabi sakanya.

"Alam ko naman yun Dude, hindi mo naman ako kailangang takutin pa. Pero alam mo ibang takot ang naramdaman ko kanina...okay lang sana kung ako lang kaso kasama ko si Kersten..natakot ako na baka may mangyaring masama sakanya at madamay siya. Hindi ko nga inisip na sa halip na ako ang maging knight in shining armor nito ay siya pa yung nagligtas sa akin. Yung feeling na natapakan na nga yung pride mo pero at the same time you feel loved. Ganun ang epekto sa akin ni Kersten dude."

Ayan nanaman ang mga katagang ayokong marinig. Love? Bubuhayin ka ba niyan?

"Bakit ba kasi kasama mo pa yun kanina?"

"Yinaya ko kasi siyang gumala."

Napasindi nalang ako ng sigarilyo sa sinabi niya.

"Mas maganda sigurong umiwas ka muna sakanya.. at magdoble ingat ka na rin. Hindi basta ordinaryong tao ang kalaban natin. Kaya nilang pumatay kahit inosente pa yan."

Napabuntong hininga na lamang ito at tinuloy ang ginagawa niya.

"Nga pala Dude. Ano balita dun sa pinagagawa mo kay William the Nerd? Nasagutan ba niya yung problem solving mo as Biostat?"

Tumango lang ako bilang tugon.

"Buti naman. Akala ko mananagot na ko kay Prof. Ang lakas ko pa naman dun."

Pagyayabang nito.

"Tss. Teacher's pet."

Hithit ko ng sigarilyo.

"Pet? Hindi naman ako aso ha! Mas lalo naman hindi ako pusa. Baka naman dude iniisip mong ipis ako, aba Dude tao ako! Tao!"

Napaubo naman ako sa kaslow poke-an ng lalaking to.

"Sige yosi pa. Hahaha!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hahaha. Peace dude."

My KryptoniteWhere stories live. Discover now