Kelan nga ba nagiging mali ang tama at tama ang mali?
Bakit ba laging pinagtatalunan kung ano nga ba ang nararapat gawin at ano ang dapat iwasan?
Saan ba napupunta ang mga choices na hindi natin pinili?
At kailan ka nga ba masasabing masama at kailan ka matatawag na mali?Para sa'kin, walang mali kung kayang panindigan.
Lahat ng pipiliin mo ay may karampatang paghuhusga.
Hanggat kaya mong panindigan, tama ka.Ngunit sa oras na nagkaron ka ng duda sa pinili mo't hindi ka sigurado kung kaya mong panagutan, nagiging mali ang isang bagay.
May mga bagay naman na mukhang tama pero sa kalaunan ay nagiging mali.
Ang paghingi ng pabor sa isang tao ay hindi mali ngunit sa puntong nagiging masama ang isang tao sa paningin ng iba dahil lang hindi nya kayang ibigay ang pilit mong hinihingi, nagiging mali ang paghingi ng pabor.
Ang pang aabuso sa kabutihan ng isang tao ay mali. Mapa gusto man nya o hindi. 'Wag abusado. Makaramdam ka naman. Hindi puro sarili iniisip mo.
Nakakadismaya ang mga taong puro nalang sarili ang iniisip at walang pakialam kung may masasaktan o may natatamaan sila. Ako man mismo ay ganito ngunit sinusubukan kong bumawi at magbago.
Alalahanin mong may hangganan ang pasensya ng mga nakapaligid sa'yo. Hindi parating ikaw ang iniintindi. Minsan kailangan mong umintindi. H'wag mo nang hayaang mawala pa sila sa'yo bago ka mag effort na bumalik sila. It's better to give than to receive. Lalo na kung nakikipag suntukan ka.
Ibalanse mo lang nag pagbibigay at paghingi. Di baleng mas madami kang binigay kesa hiningi at h'wag ang kabaligtaran. Hingi ka ng hingi tapos pag hindi ka binigyan ikaw pa galit. Pooh Tae Di Wow!
May mga bagay na hindi nakokonsider na mali o tama pero may mga bagay na mahirap talaga i classify. Kaya may common sense tayo. Kailangan natin matutongMAGMASID.
Tumingin ka sa salamin, tumingin ka sa paligid. May natutuwa pa ba sa ginagawa mo?MAKINIG.
H'wag puro daldal, kailangan mong makinig. Pakinggan mo ang opinyon ng iba at isipin mo kung makakabuti ba sa'yo kung pakikingan mo sila. Ang importante, makinig ka. H'wag kang bastos.MAGSALITA.
Magsalita pero h'wag naman puro ikaw, kaya nga inuna ko yung makinig e. Bago ka magsalita, makinig ka muna. H'wag puro dada pero kailangan mong ilabas kung anong nasa isip mo. Malay mo may maitulong sa iba ang sasabihin mo. Pero maghinay hinay ka sa sasabihin mo dahil hindi mo na kayang i CTRL+Z pag nabanggit mo na.MAKIRAMDAM.
Kailangan mong maramdaman kung anong saloobin ng mga nakapaligid sa'yo. Hindi yung tira ka ng tira. Kailangan mong maging sensitive sa mga desisyon mo. Isaalang alang mo kung anong kakahinatnan at kung sino sino ang mga maapektuhan. Kung may masaktan man, bumawi ka agad.MALALASAP.
Pagkatapos mong gawin ang mga 'yan magiging matamis ang bunga ng 'yong ginawa. Pero h'wag mong tularan si Juan, na hinihintay nalang na mahulog ang bayabas sa kanyang bibig. Mag effort ka na sungkitin 'yon. Lahat ng pinaghihirapan, pag nakamtan, ay kay sarap malasahan. At h'wag kang green sa sinabi kong yan. Baka ibang lasap ang iniisip mo e. Nararapat lang na malasahan mo ang tamis ng pinagpaguran mo.
TAMA na ang pagiisip ng mga MALI, isipin mo na paano ang pag BAWI.

BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!