Plate number

45 0 0
                                    

"Sa daan mo parating may mga humps, parating may mga pedestrian lane, parating may mag jejaywalking,parating may chicks sa sidewalk. Pero kung alam mo kung saan ka pupunta, hinding hindi ka maliligaw."

Ikaw, sino ka ba? ano ba mga plano mo? isa ka ba sa mga taong si Batman nalang parati ang bahala? o isa ka sa mga nababahala na baka hindi mo kaya ang ganito, baka di ko maabot yung ganyan, baka, baka,baka. Anak ng baka! Walang mangyayari kung hindi mo susubukan. Tandaan mong nasa mundo tayo na walang kasiguraduhan. Ni hindi ka nga sure kung 1 inch nga yung sinasabi ng ruler mo e. Lahat ay totoo base sa panininiwalaan mo. Kung iisipin mong di mo kaya, papagawa mo sa iba. Pero kung kaya mo,sa tingin mo,KAYA MO!

Madaling sabihin yan lalo pag wala ka sa posisyon. Madaling mag advise lalo kung hindi ikaw ang nasa sitwasyon. Pero ano bang matutulong ko pwera sa mag bigay ng payo? 

Siguro nga di tayo pareho ng sitwasyon, siguro may mga pamamaraan ka na hindi tulad ng akin. Pero pare pareho lang tayo ng kalaban. PROBLEMA.

Ang importante lang parati kang may GOAL. parati kang may TARGET. parati may sagot sa "PARA KANINO KA BUMABANGON?"

Ako, parati kong sineset ang utak ko na dapat ngayon araw gawin ko to, dapat magawa ko 'to. Dapat maiwasan ko to.

Maganda ang may pinatutunguhan kaysa sa diretsong lakad lang.

Kumbaga, tayo ay mga kotseng full tank sa umpisa,may mga pinipiling mag joyride hanggang sa maubusan ng gas,may mga produktibo at tumutulong para makapunta ang iba sa pupuntahan, may mga trip lang bumangga sa ibang kotse MAKAPANIRA lang. May mga nagpapagandahan ng makina, nagpapabilisan ng takbo, nagpapalakasan ng sound system. at meron rin namang may gustong puntahan.May finish line na gustong marating. IKAW anong klaseng driver ka?

Kung ako sayo gamitin mong maayos yung natitirang gasolina ng tsikot mo. Panatilihin mong nasa tamang kondisyon ang makina mo. Siguraduhin mong hindi flat ang gulong mo. at siguraduhin mong may driver's license kang magpapakita kung SINO KA TALAGA. 

Sabi ng marami, Life is unfair. Ofcourse, Life is never been fair to them, to you,to me. Therefore, Life is just being fair. Siguro magaling ka sa isang bagay at mahina ka sa isa. May naman sigurong mahina sa isang bagay pero magaling pala sa isang bagay pa. It's just a matter of exploring YOURSELF. No one know yourself better than YOU do.

Nasasayo kung paniniwalaan mo ko wala na kong pake dun. Balitaan mo nalang ako pag nakatulong ang mga payo ko sa pagpapabuti ng sarili mo! Hanggang sa muli kapatid!

PerspektibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon