May hindi lang ako mabitaw bitawan e, sa huling parte ng 2014.
Yung mga random Facebook friends ko na nag-aalok ng pagyaman.
Yung mga dating sineenzone ako't bigla nalang akong niyaya sa pag-asenso.
Yung mga epal na kada minuto may post na tigilan ko ang paghiga't pagdodota at magumpisa ng magtrabaho para matupad ang pangarap ko.
Hello Networkers!Una sa lahat, walang masama sa trabaho nila sa tingin ng society at tingin ko rin ay wala rin naman masama sa pagtulong sa ibang mga tao para yumaman.
PERO.
Ang hindi ko maatim minsan, siguro hindi naman intensyonal o hindi sinasadya pero parang sabon sila na binebenta nila, MASABON. MABULA. MAHALIMUYAK.
Mabangong salita, at mala pantasyang pag asenso sa pagbebenta ng sabon o kung anuman yang produktong yan.
Bubusugin ka nila ng mga motivational speeches at seminars na para bang wala kang produktibong ginawa sa nakaraang mga taon ng pamamalagi ko sa mundong ito.
At palihim kang ginagamit, yung tipong yayayain ka magcoffee, at ikaw naman na naniniwalang single sya talaga e bihis na bihis pang magpunta, NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT.
Pagdating mo sa "COFFEE SHOP" ay may naghihintay na bulto ng mga nakasemi formal na parang mag aattend ng acquiantance party, may mga naka "conyo" japorms at aakalain mong ililibre ka ng kape, PERO hindi, hindi, at hindi mo rin makakausap tungkol sa mga cheezy pick up lines mo yung hinayupak na chicks na nagyaya sa'yo magkape bagkus ay sa loob ng ilang oras ay mga modern day heroes na tutulungan kang yumaman at babaguhin ang buhay mo KUNG...
Sasali ka sa kanilang business at Open minded ka syempre.
Dinaig pa yung letse kong tropa na kung makayaya sa'kin dati sa cellgroup nila sa church e parang magugunaw talaga yung mundo tulad ng sinabi ng mga Mayans.Balik tayo sa topic, syempre hindi ka naman makakaumpisa ng business kung ALAWS AREP.
At kahit anong estado mo sa buhay, mapa estudyante ka man o simpleng nagbabantay lang ng mga poste ng meralco e todo hikayat sila na magmember ka, sa halagang alam mo at alam naman rin nila na wala ka. So palihim ka nilang sinasabihan na mangupit ka sa tindahan. (Joke lang po ! )
Ang akin lang, hindi naman masama ang mismong trabaho, at ang maghanap buhay sa pamamaraan nila.
Ang kaso lang, minsan naaawa ako sa mga taong nahihikayat nila't nabubulag sa mga salitang sinasambit ng mabulaklak nilang mga bunganga at ang mga taong sa huli ay macocorner nalang sa isang sulok dahil alam naman nating higit pa sa mismong membership fee ang kailangan mong ilabas, mapamaghanap ng trabaho o sa mismong pormahan para makahagilap ng mga bagong members e kailangan at kailangan mo ng budget at pocket money. At alam naman rin natin na bukod sa pera ay oras rin ang isa sa mga kailangan mong isakripisyo sa isang pangarap na isinusubo sa'yo.May kakilala yung kakilala ng kakilala ko, sabi niya no'n and i quote, "By December may sarili na kong kotse!" Pero ayun, 2013 pa yun, Hanggang ngayon nakakasabay ko pa mag commute. Naisip ko'y baka naman environment friendly lang talaga sya't ayaw nya makadagdag sa gas emission. O baka naman hindi pa sya pwedeng kumuha ng lisensya para sa tsikot nya. Pero isa lang ang pinupunto ko.
KUNG may isasama ka o ihihikayat ka sa anumang bagay, klaruhin mo sa kausap mo ang mga kondisyon at hindi yung hahayaan mong mapasubo ang tao't ikaw naman na nagrecruit e pakape kape nalang at naghahanap ng bagong member. Alam ko! Marketing skills yan, Oo, lahat naman tayo naggagaguhan lang e, Lahat tayo naglolokohan, maging yung mga commercial sa TV hindi naman lahat totoo, maliban sa CHAMPION, tapat po sa inyo.
Remember, not every sin are commited, some sins are omitted.Sabihin mo naman sila na pagnakakabenta sila ng product e may commission ka. O kaya ilibre mo lang ng kape kahit yung 3 in 1 lang, tapos tambay ka sa labas ng starbucks, sabay selfie.
Ikaw, gusto mo bang yumaman?Ako,kung ganyan, 'wag na. Hindi ko habol ang pagyaman, kaya kong makuntento pero marunong akong humakbang patungo sa tunay kong pangarap. Ang maging masaya't kuntento sa kung anong meron ako't alam kong wala akong inaapakang ibang tao.
Pasensya sa mga nasaktan o nainsulto.
Truth hurts, at opinion ko naman 'to. Hindi ko naman sinasabing sang ayunan nyo ko.Kung may mga komento kayo, mapa maganda o masama pa yan, salamat!
atleast alam kong hindi ako nag iisa sa page na 'to.
Muli, SALAMAT SA PAGBASA.
Happy New Year po! :)

BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!