Religion, Real Idiots

20 1 0
                                    

Isa akong Christian, Roman Catholic to be exact. I attend mass every Sunday at sinusubukan kong isapuso at gawin ang mga turo ng simbahan. From my viewpoint, the church is good. Tinuturuan ako maging mas mabuti sa kapwa at maging responsable; parang extension ng GMRC class sa elementary.

Lahat naman ng religion halos ganyan ang pinaka goal, ang maging mabuti ang mga taga sunod / believers.
Pero ang hindi ko maintindihan ay ang karahasan at pagkakawatak watak dahil sa pagsunod sa relihiyong kanilang kinamulatan.

Aminin natin na hindi naman tayo ang pumili ng relihiyon natin, kumbaga sa genes, Hereditary. Namana na natin 'to, at sa punto 'to, mahirap tumaliwas sa kulturang kinagisnan na ng pamilya. Bakit nga ba may dibisyon pa ang mga relihiyon? Hindi ba pwedeng i summarize nalang lahat tapos gumawa ng Ultimate Religion?

Kanya kanyang paniniwala nga siguro ang naghihiwalay sa iba't ibang relihiyon, pero sa pananaw ko'y isa lang naman ang pinupunto ng lahat ng relihiyon, at isa sa mga pangunahing sangkap ng matagumpay na religion ay ang pagiging maka Diyos at makatao.

Gaano ba dapat kaattach ang isang tao sa kanyang pananampalataya?
Hanggang saan ba ang dapat isakripisyo ng isang sumasamba?
At paano mahihiwalay ang mga turo ng simbahan sa mga turo ng tao?

May mga kilala kasi akong hindi pwedeng kumain ng kung ano ano, may mga hindi pwedeng magkasyota / nobyo ng ganito kasi ganyan. At may mga hindi nalang talaga nakikipag kaibigan pa dahil sa kaibahan sa religion.

Ganito ba talaga ang gustong mangyari ng May Likha? Ang gumawa ng pagkakawatak watak?
Bakit hindi nalang magkaisa sa isang malawakang pagiging malasakit?

Kung sabagay, mahirap. Mismong kapwa Pilipino mo nga hinihila mo pababa e.

Isa na naman siguro 'to sa mga topic na kailangan e, DEAL WITH IT nalang.

Hindi natin mababago ang mundo sa isang kumpas lang ng kamay, pero kaya natin magbago bilang tao, paunti unti at hanggang sa maka isip ang mga nasa paligid mo.

Ang pinaka pinupunto ko lang, Dapat alam natin kung kailan sobra na ang pinapaniwalaan natin, kung kailangan mong kumain ng tae para lang maligtas e magduda ka na. 
Believing is different from being controlled.

Anyway, after life naman ata lahat ng rewards ng religion.
Live your life to the fullest, pero 'wag naman YOLO. Maging productive. 
Kung kayang tumulong, tumulong. H'wag mo ng itanong kung kasapi sya sa kulto mo.

At 'wag na sana tayong manghuhusga dahil lang sa relihiyon.
Dahil hindi lahat ng nakaitim ay masama, at hindi lahat ng nakaputi ay mabuti.

Mula elementary hanggang college, pinaka ayoko talaga ng DIVISION e.

Lagi nalang may hiwalayan.



PerspektibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon