Isang kutsaritang kaalaman

69 0 0
                                    

Student by day

Gamer by Afternoon

Musician by Night

Cool ba? HAHAHA H'wag ka masyado mag expect. Saktuhan lang ako. Average student.  Trip ko lang talaga ang music at gaming.

Kadalasan ng mga inuumpisahan ko, di ko tinatapos INTENTIONALLY.

Madalas kasi di mo makukuha ang best mo sa isang subok lang.

Sigurado may palya, at sigurado may maiimprove ka sa susunod na susubukan mo.

H'wag ka matakot magkamali. Spelling nga nagkakamali pa tayo e.

Maglaan ka ng space sa bawat gagawin mo. Either 1 day before the deadline o 10% effort sa isang performance. H'wag mong i gigive it ALL at a time.Ikaw rin ang kawawa. Magtira ka para sa sarili mo.

Naks! Applicable yan sa Love.

Di naman halatang may pinanghuhugutan di ba? HAHAHA

Tulad ng sabi ko, We all need our lil' own space. At lalaktawan na natin yang Love aspect na yan. 

Madami ako gusto maging, minsan gusto ko maging web designer, minsan gusto ko maging photographer minsan graphic artist,minsan writer,minsan rockstar minsan agogo dancer. 

Pero syempre joke lang yung huli. (Di nga ako marunong mag gangnam style e.)

Yun nga lang, minsan sa dami ng gusto kong gawin, sa dami ng nauumpisahan ko, di ko natatapos yung iba. NORMAL lang yun. Di natin hawak ang oras.

Kaya kung ako sa'yo mag focus ka.

Na sa'yo rin kasi yun e. Kung tulad mo ako na nabobore sa isang gawain pag walang masyadong progress at gusto ng bago parati, PUSH mo lang chong!

Pero kung may GOAL kang gustong marating FOCUS.

Ikaw, kilala mo ba ang sarili mo?

Ang sagot, Hindi. Wala ni isa sa atin ang may kilala sa SARILI natin. Kundi ang May likha.

Alam natin ang sarili natin base sa paniniwala natin.

At kilala ka ng mga nakapaligid sa'yo base sa paniniwala nila.

Saan ka lulugar? Sa pag improve ng sarili mo base pagkakakilala mo sa sarili mo, o sa pag improve ng sarili mo base sa pagkakakilala nila?

Nasa sayo parin yan. 

Walang tama at mali. Walang ibang absolute truth kundi si God.

Do your part and God will do the rest.

PerspektibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon