Sino ka ba? Ha? Bakit ba nandito ka?
Wala ka pang napapatunayan. Wala ka pang bilang. Wala ka pang natutulong.
Sino ka ba? Wala. Wala ka. You're nothing.
Sino ka ba?
Nabubuhay tayo sa isang mundong mapanghusga. Isang mundong nagtatanong kung sino ka pero wala naman pakialam kung sino ka talaga.
Gusto nilang makilala ka naaayon sa kung anong gusto nilang maging ikaw.At kung hindi mo kaya maging "Siya". Wala ka. You're nothing.
Sino ka ba?
Nabubulag tayo sa gantimpala. Napapasunod tayo tulad ng tupang naghahanap ng isang pastulang masagana ang damong luntian. Lagi tayong nakasabay sa agos. Natatakot na sagutin ang mga katagang "Sino ka ba?"
Wala ka naman e. You're nothing.
Sino ka ba?
Hindi mo naman kayang ipakita ang sarili mo kaya hindi mo kailangan sagutin yan. Ang sagutin mo nalang, Sino bang ginagaya mo? Kanino ka ba nakahulma?
Ikaw? Kung wala ang hulmahang katauhang yan, wala ka naman. You're nothing.
Sino ba ko?
Wala akong karapatang manermon, wala akong karapatang manghusga. Wala naman akong pagkakakinlanlan, hindi mo naman ako kailangan kilalanin dahil wala naman ako. I'm nothing.
Ano ka ba?
Hanggang kailan ka magpapalipad sa hanging binubuga ng kung sinu sino. Hindi mo naman kailangan magpadala sa ihip ng hangin. Tumayo ka ng tuwid. Hindi ka saranggola. Hindi ka bagay. Hindi mo bagay maging bagay. Your not thing.
BINABASA MO ANG
Perspektib
JugendliteraturKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!