At En Ispaysi!

78 0 0
                                    

Hindi ko masasabing cool ako, pero hindi naman ako nabibilang sa mga "walang kwentang kausap."
Hindi ko masasabing friendly ako,pero totoong tao ako.
Hindi ko masasabing magugustuhan nyo ako dahil Kayo yan e. Ako to.

Nagegets nyo ba sinabi ko? Siguro ou, pero siguro magulo pa. 'Di ako magpapaka Confucius o magpapaka Mahatma Gandhi para maparating ang gusto kong sabihin sa inyo. Napakadali lang naman e. BE YOU.


Ganyan kadalasan nag uumpisa ang bawat araw ko sa mundo. Mga bagay bagay na parang wala naman kabuluhan pero kung titingnan maigi, OK rin pala.

Ako si John Paul, pero tawagin nyo nalang akong PonG. Galing ang palayaw kong 'yon sa sikat na pagkain ng mga Koreans, Jjampong. Isang uri ng noodles na mahanghang. (Di ako sure sa spelling ng mahanghang,kapampangan e.) 

Katulad ng pinagkuhanan ng palayaw ko, SPICY! Di ko sinasabing HOT ako pero SPICY!.
Matapang ang rekados pero masarap. HAHAHAHA (Bahala na kayo kung paano nyo iintindihin yan)

Spicy. Hindi ako yung tipong matamis, hindi rin maalat, hindi rin mapait. Spicy! May kagat sa dila. Mapapa nga nga ka. Expressive ako sa mga bagay bagay. Except sa Love. Tulad ng marami sa inyo. Boplaks ako sa Pagmamahal.

Vocal ako sa mga nararamdaman ko, sinasabi ko kung ano ang SA TINGIN ko ay tama. At ang pinakaimportante dyan ay sinasa BUHAY ko rin ang mga 'to.

Hindi ako nagpapa impress sa inyo, ako talaga 'to. Di kasing gwapo ni John Lloyd, di kasing macho ni Aljur at di rin kasing cute ng mga @#$%^ Kpop na yan. (Not to mention di ko trip mga KPOP.Pero di ako hater.)

Sabi nila malakas raw appeal ko. HAHAHA nakalimutan ko na sinong nagsabi, basta SPICY ang dating. 

Di ako yung tipo ng taong una mo palang makita Trip mo na.
Parang Jjampong, mag hehesitate ka kung kakainin mo. Nandyan na yung "Baka mahanghang." "Baka pangit lasa." "Baka nakakasama sa kalusugan."

BAKA! Anak ng baka naman. First sight pa nga lang di ba? Common Sense! Sight palang ginamit mo takot ka na. (Di ko sinasabing TOUCH me, TASTE me o SMELL me. Ang ibig kong sabihin, LISTEN to me.)

Para sa akin, di ako mag ja judge hangga't di ko narinig magsalita. Hangga't di ko alam ang saloobin nya. Hangga't nasa loob pa ang kulo ng isang tao.

Maraming may ayaw sa akin sa palagay ko dahil na rin sa pagiging vocal ko sa mga opinyon ko. Hindi pagiging judgemental ang pagiging open sa nararamdaman mo. "Don't judge the book by it's cover". 

Leche, cover lang ba bawal i judge? Don't judge the table of content, the glossary or even the content. Judge by how you understand. Not by what they express.


Di naman sila ang hinuhusgahan mo e, hinuhusgahan mo ang pagkakaintindi mo.



ANG GULO di ba? O ano? Kakagat ka? Naka isang subo ka na, kaya mo pa ba kainin? HAHAHA

PerspektibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon