"Alisin mo ang takot sa isipan mo, dahil nasa isipan mo lang ang kinatatakutan mo."
Isang malabong quotation na naman galing sa friendly kapitbahay nyo.
Takot, ikaw ano bang kinatatakutan mo? Ano bang bumabagabag sa'yo?
Takot ka bang mawalan ng follower sa twitter? o walang maglike ng bagong profile picture mo?
Iinisip mo bang baka hindi ka i followback ng crush mo? o baka naman hindi iaccept ang friend request mo?
Kung ganyan ang takot mo, ANG BABAW MO!
Takot ka bang baka wala kang totoong kaibigan?
Baka pinag uusapan ka ng mga kaibigan mo pag wala ka gaya ng madalas mong ginagawa?
Takot ka bang baka may katext na iba ang syota mo gaya ng pakikipag landian mo rin sa iba?
Takot ka bang baka mabaho pala ang hininga mo at hindi lang sinasabi ng mga nakakaamoy dahil baka magalit ka?
Kung ganyan ang kinatatakot mo, napaPARANIOD ka lang.
Natatakot ka bang hindi mo kayang sagutin ang board work na pinapagawa ni sir?
Na baka hindi maapprove yung proposal mo sa isang project?
o baka bumagsak ka sa major subject mo?
H'wag kang mag OVERTHINK. Hayaan mo sa kanila ang desisyon. Gawin mo ang sa'yo. Pag nagawa mo, CONGRATS! pag hindi, TRY AGAIN NEXT TIME.
O Baka natatakot kang malubha na ang sipon mo gaya ng sinasabi ng internet, may cancer ka na daw sa lungs.
Baka natatakot kang mamatay dahil hindi mo ba nagawa ang 100 Random Act of Kindness?
Natatakot ka bang baka sa impyerno ang bagsak mo?
Na baka ang simpleng kulangot na nadukot mo ay isang cyst pala.
o baka natatakot kang baka may apendicitis ka na dahil sa sakit ng tiyan mo.
TAE LANG YAN! Simulan mo na maging healthy ngayon. Simulan mo na magpakabait ngayon.
H'wag kang tumulong kung ang dahilan mo ng pagtulong ay para makilala. Tumulong ka ng bukal sa puso mo. H'wag kang matakot sa impyerno kung impyerno ang binibigay mo sa kapwa mo.
You get what you deserve.
Ikaw, alin ka sa mga yan?
Natatakot ka rin ba?
"H'wag kang matakot na maging tanga, kasama mo naman ako."
Nasa isip lang ang takot. Mawawala na yan. i sound trip mo lang.
Magtiwala ka sa May Kapal.
Ayusin mo buhay mo.
"You can't never give you best if you're scared to do it."
Walang maitutulong ang takot, gumawa ka ng paraan. Gumawa ka ng solusyon.
Get second opinion. OPINION lang ha. nasa'yo parin ang desisyon dapat.
You should be responsible to your acts.
Hinding hindi ka matatakot kung kilala mo ang sarili mo.
Hinding hindi ka matatakot kung kilala mo ang nakapaligid sa'yo.
Hinding hindi ka matatakot kung kinikilala mo ang Diyos na naglalang sa'yo.
Magtiwala ka sa Kanya, magtiwala ka sa sarili mo higit kanino man dito sa mundo.
Hindi mo kayang idrive ang kotse ng buhay mo kung natatakot kang istart ang makina dahil sa nakakatakot na tunog ni'to.
Kaya mo yan chong! Kasama mo naman ako!
BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!