Paano ko ba sisimulan ulit 'to? Yung huling part ng "kwentong" to, 65 pa ang weight ko.
Ngayon, mahigit kumulang sa hindi mabilang na. HAHA
Madami na nga atang nagbago sa kung papaano ako mag-isip, binasa ko ulit yung mga articles na nagdaan, may mga nag-aagree ako sa mga sinabi ko at meron rin namang napa "Meeh." Parang di naman ata applicable sa buhay yung mga pinapayo ko dati. HAHA At marami sa mga yun ay hindi ko rin naaapply parati. Sabi nga ni Loonie, "Marami kang detalye na makakaligtaan, mamamali ka ng daan lalo na't wala kang ganong alam, anong magagawa mo tao ka lang?" Isang magandang kanta mula sa isang rapper na may karakter na Adik sa lipunan. Oh, diba, kahit sa pinakamabahong ilog ay may isda paring pwedeng kainin. (ATA) haha Di na talaga ata ako marunong mag analogy. Basta ang pinopoint out ko,
Lahat tayo mapa-relihiyoso,sakim,mabait,walang hiya,masunurin,salbahe at ano ano pang mga pang-uri,
Siguradong may iooffer tayo sa mundo na ikaw at ikaw lang ang makakaoffer nun. May kanya kanya tayong pag iisip na naiimpluwensyahan at nakakaimpluwensya rin ng iba. Ito na siguro ang pinaka pinagbago ko sa haba ng panahong binuksan ko ang Wattpad account ko. (Shout outs to Avery Torrico! Salamat sa pagkalkal ng kwentong 'to. Buti nalang dinelete ko yung isang kwentong "HAHAHAHA" Nevermind. Salamat !)
Tulad ng sinabi ko dati, kadalasan ng mga ginagawa ko di ko natatapos SA ORAS.
At kadalasan,hindi sapat ang oras natin. Laging bitin, laging kulang, laging gustong mag-extend ng katabi kong wala naman ginawa kundi mag Google ng mga larawan ni Sandara Park. Huy ate! Kung nababasa mo 'to (Malamang HINDI) Magdodota pa kami, dalian mo mag Google.
ORAS.
Di sapat ang oras kung di mo papahalagahan ang bawat sandali. Minsan nabibilisan tayo, minsan nababagalan, minsan steady lang. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa baba, minsan missionary, minsan 69. Ano raw? HAHAHA
Nagmature na nga ata ako, O baka naglibog lang. Maraming nagbabago sa kalaunan. Maraming naglalaho sa pag-andar ng oras. Maraming mga tagpo ang makakalimutan mo ng alalahanin, Maraming sugat ang naghihilom sa katagalan. Oras. Isang aspeto ng buhay na hindi natin hawak. Di natin kontrolado ang oras. Di natin pwedeng i Ctrl-Z ang ginawa nating mali, tuloy tuloy ito at walang makakapagpatigil ne'to. Maliban nalang kung Ikaw si Faceless Void ng Dota.
Pero tulad ng Dota, lahat ng abilidad natin may COOLDOWN.
Di naman sa lahat ng oras magaling tayo sa ganito at sa ganyan.
May mga skills rin naman na Passive, na kumbaga kahit ayaw natin lumitaw, lumilitaw. Parang pusod lang ni Ateng nagGogoogle ng Sandara Park.
Kadalasan ng mga active skills sa Dota, mahalaga. At parati silang may COOLDOWN. Ito siguro ang isa sa mga natutunan ko sa Dota, na kahit gaano pa kagaling ang skills mo kung di mo rin alam kung kelan mo ibabato, WALANG KWENTA.
Lahat ng bagay nasa oras dapat, lahat ng bagay nasa lugar at madalas wala tayo (kung di man applicable sa'yo) wala ako sa lugar. Minsan gusto kong kamutin yung pwet ko kaso nasa harapan ko si Crush.
Wala tayo sa lugar para mang husga, yan lang ang parating wala sa lugar. San nga ba tayo dapat lumugar sa mundong halos lahat ata ng magagandang bagay ay naisip na ng iba. Paano nga ba natin hahanapin yung DRIVER'S LICENSE na magpapakilala sa'yo sa mundo kung sino ka talaga. Sa mundong mahirap na maghanap ng ORIGINAL lahat ay EDITED nalang, may mga dinagdag, may mga binawas. Parang pwet lang ng mga artista sa T.V. Lahat may ginagaya, lahat may inspirasyon, lahat may molde.
Pero tandaan mo lang kaibigan na dapat maging SOLID ang personality mo. H'wag mong hayaan ang sarili mong nasa lugar na kung ano ang mga nasa paligid mo ay ganon ka. H'wag kang maging LIQUID, na kung ano ang hugis ng container ay ganon ka rin. H'wag kang GAS, h'wag kang mahangin, may mga skills na wala ang iba pero kung di naman kailangan ibato, 'wag mo nalang ibato. Ireserba mo kapag kailangan na talaga. Bahala ka, matagal mag cooldown yan.
ANO RAW? Ewan rin e. HAHA Siguro di na talaga ko yung dating Pong na nagsulat ng article na'to. Masyadong maraming bagay ang gusto kong iemphasize at nagreresulta lang sa isang bagay, Ang artikulong ito ay magulo. Pero kung umabot ka rito ng hindi nagskip ng kahit anong linya. Isa ka sa mga nakaalam ng sikreto ko.
Ang haba ng cooldown ng writing skills ko. HAHA Welcome back Pong!

BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!