Capture - the act of getting control of something.
Yeah, ayan yung intro ko sainyo. At pasensya na ulit sa mga matatamaan pero sa mga puro hashtag ng Capture the moment at kung ano ano pang quotation ni Bob Marley na wala naman konek sa kanilang picture.
Let's live the moment.
Madami kasi yung mga kabataan ngayon na hindi na masyado maappreciate yung mga bagay bagay na nasa paligid nila dahil lang sa gusto nilang ishare muna sa social networking websites yung nakikita nila, NOT KNOWING na sila mismo hindi na nila nakikita yung tunay na ganda ng scenario.
Madami sa'tin ang nakukulong sa isang mundo na minamando ng mga likes at comments ng mga taong sa personal e hindi ka naman kayang pansinin man lang.
Bago ang lahat, unahin mo muna ang sarili mo. Minsan maganda rin palang maging selfish minsan. Kadalasan kasi selfless ako, yung tipong unahin ko na muna ang iba bago ang sarili. At sa huli, ako lang din naman ang kawawa. At hindi lahat ng tao kayang iappreciate ang mga ginagawa natin. Kadalasan sa kanila ang credit at ikaw? Ikaw na tumulong, wala. Wala ka naman kasi sa harapan. Nasa likod ka lang ng kurtina.
It's ok to be selfish sometimes.
Life is short. Life is too short to miss the moments. Ano? Puro capture ka nalang? Anong gagawin mo sa mga yan? Igagawan ka nalang ng Slideshow sa funeral service mo tungkol sa mga selfie mo?
What i mean is, bago mo kuhanan ng letrato, enjoyin mo na muna.
May pinaghuhugutan ako e, yung mga putapeteng nanonood ng concert na buong concert naman e nakataas ang kamay na may hawak ng smart phone o slr camera. Hoy koya, nasa likuran mo 'ko at walang manonood sa shakey shots mo.
Una pa kasi ang yabang e, yung tipong iisipin muna ang sasabihin ng iba. Dapat astig muna sa paningin ng iba.

BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!