"Nakakapayat,nakakapayat,nakaka.. Nakakapayat,nakakapayat, nakaka.. Nakakapayat nakakapayat nakaka... Nakakapayat nakakapayat nakakapayat ang PAG-IBIG!"
Ilang araw na 'kong LSS sa kantang yan. (Bale di naman talaga sya kanta, naisip ko lang tapos inulit ulit ko tapos naging parang kanta na HAHA)
Pero totoo naman ata 'to e, Nakakapayat ang pag-ibig pero sa kabilang banda, nakakataba ang sawi.
Pero sa lahat ng topic, sa lahat ng kababalaghan ng mundo, itong hinayupak na pag-ibig ang pinakaayaw ko.
Ewan, siguro dahil ayoko lang masaktan, na natatakot lang siguro ako makasakit at parang okay naman ang lahat kahit walang Pag-ibig.
Nga pala, yung term na Pag-ibig dito ay yung malanding pag-ibig. Yung boypren/gelpren, honeybebz/sugarpie, kHaThoRzeCoh/VenTh3QuaTr0Coh type na pagmamahal.
Tulad ng sabi ko, Ayoko lang siguro masaktan
IWAS
Kadalasan ng mga di natin kayang sagutin, iniiwasan natin. Hanggang kelan ako iiwas? Hanggang saan ako may daanang pwedeng lusutan. Kelan kaya ako macocorner ng Pag-ibig.
TAKOT
Kapag yung kable ng antenna ng TV nyo hinawakan mo tapos na "ground" ka. Takot ka na hawakan ulit yon. Kumbaga, sino bang tanga ang gustong makuryente ng dalawang beses. Pano kung yung susunod na voltage na hahawakan mo 220 na pala.
Taliwas sa mga sinabi ko dati, ako mismo di ko kayang iwaksi ang takot kung minsan. Lalo pag yang lecheng topic na yan ang pinag-uusapan.
Nakakatakot kaya mapahiya, nakakatakot mawalan ng kaibigan dahil lang sa ganyan.
HALAGA
"Ang isang bagay na ipinusta, manalo o matalo man, ay hindi na kasing halaga."
Hindi bumabalik sa parehong hugis ang isang gomang hinila mo dahil gusto mong barilin ng goma yung nasa harapan mo.
Pag isang relasyon isinugal mo para maging mas magandang relasyon, dalawa pwede kahinatnan.
Panalo o Talo. Walang Quits. Walang tabla. Walang Fair.
"Di ka ba masaya? Di pa ba sapat na nakakasama mo sya? Di pa ba okay yung masaya kayo pareho pag nagkukwentuhan na? Ano pa bang hinahanap mo?"
"Kung matuto sana tayong makuntento nalang sa stage ng relasyon na meron tayo."
Dyan nauso yung Friendzone e. Yan ang pinakamalapit sa Fair, pero hindi parin kasing value nung unang relasyon na pundasyon.
Kumbaga lahat tayo naghahanap ng butas, ng lusot, ng excuse sa mga bagay na sinubukan nating isugal.
Niloloko lang natin ang sarili natin na okay lang tayo. Na hindi mo na sya mahal. Na hindi mo namimiss yung magandang ngiti nya kapag katitigan mo sya. Niloloko lang natin ang sarili natin. Niloloko ko lang ang sarili ko. Lokohan na lang 'to.
SAKIT
"Masakit ang masaktan pero mas masakit ang makapanakit"
Isang walang kwentang sabi na naman ng isang walang kwentang manunulat.
Praktikal naman yan e. Suntukin mo ang sarili mo mapapaisip ka pa, "Malakas ba ko dahil malakas ang suntok ko, o Mahina ba ko dahil nasaktan ako sa suntok ko"
Pero yung sumuntok ka ng iba, maraming bagay bagay ang magbabago, maraming tao ang mag-iiba.
Ang hirap magmahal lalo pag di ka sigurado kung handa ka na talaga, yung mga "baka" "paano kung" Baka bumalik sya, paano kung mahal ko pa pala sya. Paano kung di ko pala sya mahal.
Imbes na makapanakit, mas maganda nalang siguro na masaktan dahil narin sa ating sariling kagagawan.
S-akit
H-alaga
I-was
T-akot
SHIT.
BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!