Huling Banat

59 0 0
                                    

Hi, Ako nga pala si John Paul Canlas Lopez, sa ngayon ako'y 20 years old na at nasa huling taon ko na sa kolehiyo. Noong una kong isinulat 'tong artikulo ay nasa ikatlong taon palang ako ng Civil Engineering at madami na ang mga nagbago sa paglipas ng panahon.

Ito na nga pala ang huling parte ng kwento, at tatapusin ko ito sa paraang pangugumpisal.


Oo, i confess.

Hindi ako matalino.
-Nagpapaka critical thinker lang ako lalo sa internet dahil sa internet, kaya mong maging kahit sino. Sa isang mundong mabilis lang makasagap ng bagong mga impormasyon, madali lang magpaka "matalino".

Hindi ako mabuting tao.
-Wala akong kaibahan sa mga taong tinutuligsa ko, sa mga taong tinuturing kong marumi.
Mapagmalinis lang siguro akong tao at nabulag ako sa pagiging "matalino". Hindi ako naiiba tulad ng tingin ko sa sarili ko. Wala tayong pagkakaiba, walang perpekto sa mundong mapanghusga.

Hindi ako espesyal.
-Tulad ng mga nakaraang mga artikulo, sa bawat tirada ko ng mga pangungusap,parating may paghahambing ako sa mga taong nakapaligid sa'kin, Isang pagpapakita na naiiba ako sa karaniwan. Pero HINDI. Hindi ako espesyal. isa lang rin akong taong madaming kinatatakutan, isang taong maraming maling desisyon at isang nabubuhay sa isang ilusyon na ako'y "matalino".

-Hindi ako sumasalungat sa agos, sumusunod lang ako sa mga sumasalungat sa agos. Wala akong pagkakakilanlan, wala akong permanenteng hugis.

Wala akong talento.
-Pinagyayabang ko pa na madami akong gustong gawin at marami akong kayang gawin, ngunit ang totoo nyan, isa lang itong ilusyon. Ilusyon ng pagiging matalino. Hindi talento. Wala akong hubog na talento, wala akong masasabing pinakamatinding talento, dahil sa umpisa palang, wala na ako nun.
Madami lang akong gustong gawin, madaming gustong maging ngunit wala sa akin ang pagiging consistent. Lahat ng sinasabi ko nagcocontradict. Hindi ako matalino. Hindi ako espesyal.

Sabi pa nila, libre lang mangarap.
Ang sabi ko naman, hindi. May kabayaran ang pangangarap.
Sabi nila, mangarap ng mataas.
Ang sabi ko, hindi. May hangganan ang pwedeng pangarapin.

Oo, yan ang huli kong banat sainyo.
May kabayaran ang pangangarap. Isang double edged sword ang pangarap. Maganda kung kaya mong makamit at may potensyal na marating mo ang pangarap na'yon. Ngunit sa kabilang banda, isang nakapanlulumong sitwasyon kapag narealize mong ang mga pangarap mo ay pangarap nalang talaga. Ang pagmulat sa katotohanan na hindi mo kayang abutin ang mga pangarap dahil sa maraming aspeto ng hindi patas na mundo. Wag mong hayaang maging depresyon ang mga pangarap na hindi mo kayang tuparin. H'wag nang mangangarap ng gising. Matulog ka nalang ulit. Managinip ka. at least yung panaginip, pagmulat mo, ilang sandali lang, limot mo na. Pero ang isang pangarap, mahirap iwaksi, lalo kung ginugol mo ang lahat ng panahon para maabot yung pangarap mo, ngunit sa huli, HINDI SAPAT. HINDI SAPAT ANG MAY PANGARAP. KAILANGAN MO NG AKSYON.

Siguro yun lang ang pinakapinupunto ko, maging realistic ang mga adhika natin sa buhay, 'wag natin biglain ang lahat ng mga desisyon. Maganda ang may pangarap pero kung ang pangarap mo ay ang makagawa ng dream house mo sa Pluto, aba parang sobra naman yata.

Siguro ginawa ang payong "Libre lang mangarap" sa mga batang paslit, ngunit sa isang tulad ko, hindi ko na maituturing na magandang payo ang mangarap. Hindi sa sinasabi kong makuntento nalang sa kung anong meron, ngunit MAGISING SA REALIDAD.

Hindi buhay ang internet, walang buhay sa internet. Hindi ka pwedeng magtatag ng isang matatag na pagkakakilanlan ng iyong sarili sa internet. Hindi ka pwedeng magtago nalang palagi sa inuupuan mo kaharap ng isang keyboard, mouse at isang monitor. MAGISING SA REALIDAD.

Hindi ka kasing gwapo ng inaakala mo, Hindi ka kasing talino ng iniisip mo. At hindi ka espesyal.
Sa huli, isa ka lang rin sa mga aanurin ng luha ng mga mahal mo sa buhay, isa ka lang rin sa ibabaon sa lupa o isasalang sa nagliliyab na apoy at tuluyang tangayin ng hangin.

Ok lang ang maging proud pero wag mong hahayaang mabulag ka ng isang ilusyon.

ISANG ILUSYON NA MAAARING BUMASAG NG REALIDAD.



PerspektibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon