Hindi ako matalino, hindi rin cool, hindi sporty, hindi cute, hindi heartrob.
Tanggapin mo ang lahat ng kahinaan mo at lalo mong makikilala ang sarili mo.Mahilig ako sa music, gumagawa ako ng kanta,magaling ako sa photoshop at iba pang mga computer based applications.
Alamin mo ang mga kalakasan mo at palakasin mo lalo ang mga ito.Ilang beses ko na narinig yan sa values education at sa iba pang mga subjects.
Strengths and Weaknesses
Lahat tayo meron nito, hindi nga lang parepareho. Lahat may kahinaan, lahat may kalakasan. Ikaw alam mo ba ang mga strengths mo? alam mo ba mga kahinaan mo?
Kung Oo ang sagot mo, aba'y magaling! Isa ka sa mga open minded na taong kayang tanggapin kung sino talaga sila.
H'wag mong piliting umakyat ng puno kung isda ka.
H'wag mong piliting lumangoy kung unggoy ka.Marami sa'tin ganyan. Masyadong competitive, gusto lahat siya magaling. Gusto laging sya ang bida. Oh edi sayo na ang EARTH. Magaling ka e.
Mga Closed minded ang mga ganong tao. PILIT.
Ayaw makinig sa payo ng iba, ayaw magkamali. Hindi tumatanggap ng pagkakamali. Gusto parating tama.Well, sila yun e. Kung ayaw tumanggap ng mga advises edi hayaan nalang natin.
At tayong magkakatropa give and take tayo. Itulong mo kung anong kaya mong itulong at magpatulong ka sa mga bagay bagay na kailangan mo naman talaga ng tulong. H'wag mong isara ang isipan mo. Parating Two is better than One, three is better than two and so forth and so on.Pero konting ingat lang rin, minsan may mga taong parang mabait, yun pala talangka rin. Mahahalata mo rin yung mga yan minsan, yung mga kilala ka lang pag may kailangan. Pag ikaw may kailangan, Who you ka.
Sa araw araw marami kang makakahalubilong mga tao,iba ibang paniniwala, iba ibang ugali. Deal with it. Basta ikaw, IKAW.
Ayun, ako'y papasok na muna. Sige mamaya naman.
BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!