Choices.

19 0 0
                                    

Oh no. Nandito na naman sa puntong 'to. Nacorner na naman ng pag-iisa. Pag-iisip at pangangamba sa bukas. Bakit kaya ganon? Kahit gaano ka katalino, nakakabobo talaga ang pag-ibig.

Kaya mo bang isakripisyo ang kasiyahan mo para sa taong mahal ka?
O kaya mo bang ipagwalang bahala ang sarili mo sa taong mahal mo?

Sa mga ganitong paksa, parang nasa gitna ako ng see-saw. Yung tipong konting galaw lang, may mag iiba. 
At parang ang pinakamainam na gawin ay h'wag gumalaw.

Nakakatamad umasa, nakakasawang sumubok at mabigo ng mabigo.
Parang ang sarap nalang, tumabi sa gilid. Panoorin ang paligid at h'wag nang sumama sa litrato.

Isa na siguro ako sa pinakatangang nagmahal. Hindi na 'ko natuto. 
Ang hirap pag nasa isang sitwasyon na parang gusto mong bumalik sa dati pero paano kung sa pagbalik nya e hindi na katulad nang dati?

Nakakatakot. Ang daming tanong na naghihintay ng sagot. Ang daming sagot na naghihintay ng tamang pagkakataon para maisagot. Ang daming maling gustong ituwid. Mga kasalanang gustong patawarin. Ang daming salitang naghihintay na mabanggit. Pero ang pinakanakakatakot dun e, Wala na palang nakikinig. Mag-isa ka nalang pala sa silid kung saan dati ay kayong dalawa lang ang namamalagi. Sa isang madilim na sulok na nasisinagan ng liwanag ng araw mula sa labas. Sa isang kwartong minsan ay punong puno ng saya't pagmamahal. Sa isang iglap e, iwan kang tulala. Wala na, lumabas na sya ng silid. At ako. akong tangang natatakot sa kung anong meron sa labas. Nagdesisyong manatili. Maghintay na bumalik sya. Naghihintay ng may sasaklolo't ituturo sa'kin ang daan palabas.

Pero sa lahat ng nirerescue, ako na ata pinaka choosy. Ang daming sumubok na ako'y sagipin sa mundong nababalot ng dilim, pero parang ayokong iwanan dahil sa paniniwala ko'y may liwanag paring natitira mula sa aking kinauupuan. Nakakatakot, na baka isang araw. Magdilim ang kwarto, wala nang sasaklolo, napagod na ang lahat sa kakaintindi.At ako nalang mag-isa ulit.

Hanggang kailan ko hahawakan ang pangakong babalik sya? Hanggang kailan ako mamamalagi sa kwartong puno ng ala-ala nya. Dadagdag na naman yan sa mga tanong na naghihintay ng sagot.
Mga sagot na ayaw ko namang pakinggan. Tanga nga di ba?


Hindi ako time-keeper, at sa silid na 'to, walang orasan, walang relo, walang alarm clock. Hindi ko alam gaano na katagal o gaano pa katagal. Wala akong pinanghahawakan kundi ang pag-asang isang araw, dumating ang rescuer na makakapagkumbinse sa'kin na lumabas.

Sabi nga ng idol kong banda, " I have become, comfortably numb."

Nasanay na siguro ako sa paminsan minsang sakit. Hindi na ganun kasakit, hindi na ganon kalala. Kaya ko ng indain basta't nandito lang ako sa sulok ng silid. Parang ayoko ng lumabas pa. Ayoko ng may bumalik pa, parang ayoko ng may sumagip pa. Parang ang sarap nalang mag-isa.

PerspektibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon