Gaano nga ba kahalaga ang pagkilala sa sarili?
Kung bawat isa naman ay may kanya kanyang panghuhusga sa kung sino ka nga ba.Kailangan pa bang makita ko ang sarili ko sa salamin? Kung maya maya lang ay tatawanan na ng mga kaklase ko ang magulo at walang patutunguhan kong buhok?
Kailangan ko pa bang makita ang sarili ko?Bakit ganon, kapag nakatitig ako sa salamin, gandang ganda ako sa pagkagandang lalake ko.
Pero kapag kinuhanan ko ng litrato ang sarili ko, napapa OFW nalang ako. OK, FINE. WHATEVER.Nagsisinungaling nga ba ang mga mata? Nagsisinungaling ba ang kamera?
O baka maganda lang ang gamit na filter ng mga mata ko.Siguro nga oo, may filter ang mata ko. Hindi ko nakikita yung mga masamang parte ng pagkatao ko, hindi ko nalang papansinin yung pimples sa kabilang pisngi ko. Ipagsasawalang bahala ko nalang yung mga bagay na hindi nakakaganda sa araw ko.
Ganon rin siguro yung dahil kung bakit kadalasan, hindi natin alam na nakakasakit na pala tayo.
Yung tipong parang okey lang yung ginawa mo pero sa iba pala, mali na at nakakasakit na.
May filter ang pagtingin mo sa sarili mo. Ikaw ang may pinakamagandang pagpapakahulugan sa sarili mo.Pero, sa iba, tulad ng isang kamera, hindi naman perpektong angulo ang nakikita nila.
Hindi kasing ganda ng inaakala mong pagkakakilala mo sa sarili mo, ang pagkakakilala nila sayo.
Hindi kasing gara ng filter ng mata mo ang nakikita ng ibang tao.Kadalasan, bago mo ipost sa Facebook ang isang litrato, ilang beses mo uulitin ang isang pose para makuha yung pinakamagandang resulta. Tapos hindi ka pa makokontento at lalagyan mo pa ng kung ano anong "pampagandang effects".
At kapag hindi gaanong marami ang naglike, magpopost ka ulit, panibagong litrato, panibagong pose, panibagong pang gagago sa sarili mo.
Bakit ba pilit mong niloloko ang sarili mo na gusto ka ng mga tao.
Bakit ba pinagpipilitan mong mahalin nila yung litratong ilang beses mo inulit para lang masabing gwapo o maganda ka.
Ganon na ba kababaw ang tiwala mo sa sarili mo, na kailangan pa ng madaming likes para maniwala kang isa ka sa pinaka magandang nilikha sa mundong 'to?Isang simpleng rule lang ang sinusunod ko parati sa pagbibihis o sa kahit ano pa mang gawaing biswal.
"Komportable ka ba?"
Yan parati ang tinatanong ko sa sarili ko bago ko gawin ang isang bagay.Kasi pag komportable ka, kaya mong maging IKAW. Lahat ng galaw mo, kaya mong panindigan kapag komportable ka at maeexpress mo ng maayos ang sarili mo kung wala kang pangangambang baka may hindi tama o baka hindi bagay.
Kung komportable ka, Ikaw ka.Sa mundong kung saan lahat na ata ng bagay kaya ng ipadaan sa manipis na hangin, sa mundong lahat ng komunikasyon ay ginagamitan na ng sapot (web). Paano ka lulugar, paano kung hindi ganon karami ang mga likers mo, o mga friends at followers mo? Gaano ba kahalaga sa'yo ang maging IN sa mga bagay bagay na nangyayari sa paligid mo.
Hindi mo maiisip na naiiwanan ka kung hindi ka naman sumasama.
H'wag kasing Go with the flow.
Hindi porket may alon, eh susulong ka.
Tandaan mong walang gago ang susuong sa ulan at takot mabasa.
Kahit anong proteksyon pa gamitin mo mababasa at mababasa ka.Lagi nalang bang sila ang didikta sa kung sino ka? Lagi nalang bang sila ang huhubog sa pagkatao mo dahil lang sa gusto mong maging kasama nila?
Kailan ka tatayo? Kailan mo mapapanindigan ang nakukuhanan ng kamera mo, delete ka lang ba ng delete hanggang sa makuha ang pinakamagandang angulo?
Pano kung nalowbat yan?

BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!