Maliban sa walang pasok at wala na naman akong magawang makabuluhan, eto na naman ako't nagbabalik. Kamusta? Matagal tagal na rin nung huli kong inupdate 'to. Malamang sa malamang, sarili ko lang kinakausap ko, at yun naman talaga yung pinupunto ko. Siguro masyado nga akong self centered at masyado na rin ako maingay sa Facebook. eh pano ba kasi. Lahat ng tama dati, tradisyonal nalang ngayon.
Nag iba na nga talaga ang panahon, yung mga Tama dati, Old school na ngayon, Yung mga Uso ngayon, Mali dati. Nakulong na nga siguro ako sa pagiging tradisyonal sa mga bagay bagay. Eh wala e, ganito ako pinalaki.
Magkakaiba tayo ng pagpapahalaga, at sa pamilya namin, mahalaga ang malaman ko kung anong ang tama at hindi, at hindi lahat ng uso ay tama.
Ngayon ngang college na ako't mag fififth year na ay hindi parin ako nakakaride ng maayos sa mga usapan ng mga katropa ko. Tungkol sa mga bagay na "Virginity", "Calendar Method", "Pills" etc.
Dati rati'y sa mga edad bente uno pataas ko lang naririnig yung mga ganyan, pero ngayon HALOS LAHAT ata ng kabataan alam ang mga yan. Dati mali ang "Pre marital Sex" pero ngayon parang normal nalang, Minsan di nalang ako umiimik kapag ganon ang pinaguusapan dahil, wala e, Talo ang isa ng madla. Majority wins, Pero hindi lahat ng nasa Mayorya ay nasa tama. Minsan nasa trend lang, nasa uso, nasa putang inang quotation ng mga malalanding author na magsasabi na "Pakatatag tayo ha?"
Pag PAG IBIG ang pinag uusapan, labas ako dyan pero para sa nakakarami, pag PAG IBIG ang pinaguusapan, lahat ng atensyon nakukuha,lahat ng detalye kinukulayan at patok na patok sa mga kabataan.
Kaya di ko rin masisisi yung mga hinayupak na Authors kung bakit puro pag-ibig ang topic nila. Dahil yun ang pinaka pumupukaw ng interes ng nakakarami.
Pero kahit na! Nakakadismaya lang yung mukhang tama yung advise, pero hindi talaga.
Kadalasan kasi ng mga reader nila, wala pa sa wastong gulang para magmahal.
Wala naman kasing age restriction yung Facebook, wala naman kasing height requirement ang Internet, kaya ayun, maraming nagpapaniwala sa "Kung mahal mo, (insert motivation message here)" na forte.
Masyado nila diniribdib ang pag-ibig, na minsan wala na sa lugar. Nung ako yung Labing tatlong taon, naglalaro pa ko ng Text at holen, ngayon, yung mga Trese pababa, puro nalang Text. puro nalang boyfren/gelfren.
Yung tipong parang mauubusan ng mga jowa at mga desperado magka partner.
Kaya dumami rin ang mga nasasaktan at nasisira ang buhay e. Dahil sa mga putang inang palabas sa Telebisyon at mga trend na pinapauso ng kung sinumang gusto lang sumikat.
At dumarami ng dumarami ang mga Teenage moms, e naknamputa naman kasi, sinorpresa lang ng harana at isang boquet ng roses nung monthsary, bubuka na.
Oo, alam ko nagmamahalan kayo, pero mas mabilis magmahal ang mga bilihin ngayon, anong naghihintay na bukas sa inyo kung di kayo makapag hintay na magbukas ng butones at zipper ng boyfren/gelfren mo.
Porke, lahat na ata ng tao ngayon naniniwala sa "FOREVER na tayo".

BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!