May kaibigan nga ba talaga 'ko? Yung talang solid? Yung tipong kahit wala na kaming common place na pupuntahan "mandatorily" e close padin kami? O isa lang akong mabuting kamag-aral? Isang magandang katrabaho pero pag labas sa pintuan ng opisina e balik na naman ako sa pag-iisa?
Paano ko nga ba napagtanto yung mga yan. Siguro puno lang ako ng duda. Siguro dahil sa dami ng mga naging kaibigan ko for the past 20 years of my life. Ni isa walang nakapag invite sa'kin sa graduation party nila. O baka walang nag graduate sa kanila? Ewan ba't hinahanap ko yung ganon. Siguro nga sawa na ko mag isa. Siguro panahon na para mag step up.
"No man is an island" ika nga nila. Pero paano kung ganon na nga nangyayari sa'kin? Siguro dahil inconsistent ako. Di ko mahanap yung totoong pagkatao ko dahil everytime magbabago ng environment, I adapt. Napasobra ata pag adapt ko at nawawala na yung distinct definition ng sarili ko.
Lagi kong sinasabi, i'm trying to have a liquid personality. Yung tipong kahit saang lalagyan mo ilagay, kakasya. Ayoko na maging solid. Immovable. I want to move. I want to step up everyday. Pero paano na yung mga naiiwanan ko? Yung mga naging "kabarkada" ko na parang strangers na ngayon.
Minsan naisip ko ako rin me kasalanan e. Di kasi ako yung tipong naglalakad sa kalye tapos may nakasalubong e unang mag he-hello. Baka naisip na nila na snobber na ko kaya parang wala na kong kaibigan.
O baka masamang memories lang naaalala nila pag nakakasalubong ko sila? To be honest, hindi ko alam kung me nakasamaan ako ng loob sa mga dati kong kaibigan. Kung meron man, sigurado akong hindi ko intensyon magkaganon. Siguro bully ako dati, hanggang ngayon nga e. Ang dami ko sigurong mga naapakan dati. Hindi ko na maalala kung sino sino nasaktan ko. Hay. reckless e.
Pero the past years ko sa CE, i was always the "Uniter" tipong kung may conflict sa klase, gusto ko naayos gusto ko united ang buong section. At pag naging ayos na sila lahat, naiiwan na naman ako sa isang sulok. Useless na, wala ng away e. Unsung hero lang ang dating.
Hindi ko alam ba't ang dami kong pagdududa, karamihan sa sarili ko nakatuon, Mga simpleng tanong tulad ng, "Mabaho ba hininga ko?" "Ano kayang amoy ko pag pinagpapawisan na ko?" "Me putok kaya 'ko?"
At mga malalalim na palaisipan na hanggang ngayon ay walang kasagutan. Tulad ng, "Sino bang papaniwalaan ko? Yung salamin na nagsasabing gwapo ako o yung lente ng camera na nagsasabing mukha 'kong prehistoric mammal?"
Sa loob loob ko madami rin akong mga tanong sa paligid ko, tulad nalang pag nakaheadset ako. Feeling ko lagi ako yung topic sa kabilang sulok ng room. Paranoid.
Wala pa yata akong pinagkatiwalaan ng 100% lahat laging may duda. Wala nga yatang umabot ng 90% e. Mismong sarili ko kasi di ko kayang pagkatiwalaan, sobrang unpredictable ko, mismong ako hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin kaya di ko mawawala ang doubt na yan.
May magbabasa kaya nito?
I doubt it.

BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!