Api Bertdey Tu Mi

17 0 0
                                    

Guess what? Yey! 20 na 'ko. Ang tanda ko na ata, parang kelan lang e naglalaro ako ng tumbang preso sa labas ng bahay namin. Nakikipag "Sakbang" kasama ang mga kapitbahay at iba't ibang mga larong kalye.

Ang sarap magbalik sa mga panahong 'yon. Bata.
Walang masyadong iniisip. Walang pakialam kung masugatan, iiyak ng konti at tatayo na naman para masugatan ulit. Walang keme, at walang arte.

Ano na nga ba mga accomplishments ko sa dalawampung taon na nabubuhay ako sa mundo?
Meron nga ba? Parang wala ata.

May naaalala akong isang kwento mula sa isang english teacher namin no'n sa elementary.
Tungkol sa good deeds, sa kwento, may dalawang tao na pumanaw at nasa pintuan ng langit.
Tinanong sila pareho kung ano nga ba ang mga kontribusyon at naitulong nila sa kanilang kapwa,
pabidang sumagot ang isa, at inisa isa nya ang mga bagay na naidulot nya sa kanyang mga kaparang tao. Syempre, filtered out ang mga masasama. 
Habang ang isa ay walang imik at walang sinagot kundi, "Hindi ko na maalala."
And guess what, tinanggap sa langit ang pangalawa.

It is a reminder for me na hindi talaga dapat binibilang ang pagtulong. Hindi dahil sa gusto kong mapunta ng langit kundi, para wala lang ineexpect na bumalik, sabi nga nila, "Less expectation, less dissapointment."

Kaya kung tatanungin ako kung ano na nga bang mga nagawa ko o naiambag ko sa mundo, isang malaking kibit balikad ang isasagot ko.

Hindi ko na alam kung anu-ano ang mga naidulot kong mabuti, pero marami akong naaalalang mga hindi kaaya ayang nagawa ko.

Isa pang pagpapaalala ko na mas natututo ako sa pag-alala sa mga mali kaysa sa pagyayabang ng mga tama.

Minsan sumosobra ata ang pag-alala ko ng mali na umaabot sa puntong gusto kong maitama pero wala na talagang pwedeng gawin kundi hayaan nalang.

Hayaan na, may susunod pa naman.

Never be afraid to commit mistakes.

But personally, i am not a risk taker for the past 20 years of my life.

I live with boundaries, siguro dahil na rin sa nanay ko ang nakagisnan kong kasama.
Mother's instinct is good, but sometimes it's too limiting.

I never learn how to use bike.
I never learn how to dive.
at marami pang iba.

The good thing is I am safe, and i am 20 right now.
On the other hand, i missed so much fun and excitement life had offered me on the past 20 years.

I would never blame my parents on how they raised us.
May mga dapat akong baguhin pag ako na naging magulang pero mas madami ang mga values na natutunan ko sa mga magulang ko more than anyone else.
I am thankful for my parents.
I am thankful for everything.
Up's and down's.
Salamat.

Sa lahat ng mga kaibigan, salamat sa pagshare ng mundo nyo sa aking munting daigdig.
Sa mga nakaaway o hindi nakasundo, salamat rin sa pagturo sa'kin para maging independent.

Sorry sa lahat ng nasaktan ko
Sorry sa mga nasnob o hindi napansin, minsan hindi ko rin gets sarili ko. Gusto kong pansinin ang isang tao pero hanggat di nya ko pinansin, di ko sya papansinin, at nagkakataon naman na pag pinansin na nya ko, di na ko nakatingin. WTF PONG!

Sorry kung hindi ako approachable
Sorry kung hindi ako maappreciate na tao
Sorry kung manhid ako
Sorry kung tanga
Sorry kung mali
Sorry kung irresistable ako HAHAHAHA!

Patawad po sa mga ginawa ni John Paul 19 (Dragonball reference)
Babawi po si John Paul 20 

Hindi naman biglaan lahat ng pagbabago, kahit nga yung Iphone kung mag update ng service e pakonti konti e.

This year, i want to have a more flexible personality, a resillient one.
I want to blend with people once in a while but still creating my own special way of living.

I don't want to be stereotype pero susubukan kong hindi maging masyadong weird at creepy.
Mas magiging nice na'ko at magiging mas approachable, so sa mga mag-aapply, application is now open. HAHAHA

I want to be more adventurous. I want to take risk.
Pero i don't expect it to be sudden.
It will take time.

Salamat sa mga magsstay, The best is yet to come.
At sa mga aalis, bahala kayo sa buhay nyo.

Time will be constantly flying.
We can't stop it, we can't go back.
Let's move forward, and keep flying.

Salamat sa'yo! Peace out!

PerspektibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon