Aba?! Nandito ka pa? Una sa lahat salamat sa pagbasa ng nakaraang mga part.
Ano bang ineexpect mong sasabihin ko sa'yo? Ano bang ineexpect mong mabasa sa article na 'to?
Well, kung ano man ineexpect mo, Hindi yun ang gagawin ko. HAHAHA
H'wag ka kasi mag expect. H'wag kang mag assume.
H'wag mong bilangin ang sisiw kung scrambled egg ang trip mong almusalin.
Less expectation makes happier outcomes.
Importante lang ready ka sa lahat ng outcome. Mapa maganda o pangit man yan.
Dapat sinasaalang alang mo ang lahat ng posibleng mangyari.
Pero 'wag kang pakasigurong "ITO" ang mangyayari, "ITO" ang kalalabasan.
Pero syempre, lahat ng mga sinasabi ko ay base sa paniniwala ko. Nasa sayo parin yan.
Kaya minsan tama rin si Daniel Padilla e, Nasayo na ang lahat.
TAMA! yung tono lang ang mali pero yung message ayos.
Nasayo na ang lahat. Sayo umiikot ang mundo mo. Ikaw lang ang may karapatang umamoy sa tae mo.
"BE RESPONSIBLE".
Sabi nga ng sinasabi parati ni mama, " Ikaw rin naman ang makikinabang sa pag aaral mo ng maayos."
at Ikaw rin naman ang kawawa sa maling desisyon mo sa buhay. May mga madadamay man pero IKAW parin ang pinaka kawawa.
isang punto bago natin umpisahan ang kwento ko,
"REGRET NOTHING."
nangyari na e. Ano pa bang magagawa ng "Dapat kasi ganito," "Sana ganito nalang para ganyan."
"Kung ganito sana edi ganyan". Dumaan na ko sa ganyang sitwasyon at isa lang ang naisip ko noon. TIME MACHINE. Gusto ko nun gumawa ng time machine para makabalik sa nakaraan, para itama ang mga mali. KASO, imposibleng makagawa ako ng time machine. Physics 1 nga lang bagsak na ko.
So the point is, Para saan pa na magmukmok ka sa mga bagay na nangyari na? Nagkamali ka, tapos araw araw sa buhay mo iniisip mong nagkamali ka? Hindi yun ganon chong! Nagkamali ka, umisip ka ng paraan para itama sa KASALUKUYAN. Hindi ang inisip mo ang mga DAPAT mong ginawa NOON.
Ayos lang isipin 'yon at matuto sa pagkakamali mo,pero h'wag naman sana umabot sa punto na, punong puno ka ng pagsisisi at nakakaligtaan mong tingnan ang mga oportunidad para itama ang mali. GETS?
H'wag mong takpan ang mali ng isa pang mali. Tanggapin mo ang mali at umisip ng solusyon.
JUST DO IT.
BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!