"Habang abala ang lahat sa kanya kanyang ginagawa, kanya kanyang kwento,kanya kanyang kaututang dila. Kanya kanyang bola, kanya kanyang bangko.Huminto ka saglit, Pansinin ang munting kaibigang nasa 'yong bulsa. Takasan ang mundo na puno ng walang kasiguraduhan at puno ng duda. Sa mga tenga mo'y manunuot ang saya,sa buong pagkatao mo'y dadaloy ang musika. Habang ang mga mata'y mulat sa kapaligirang maraming nag aabang na makaidlip at nakawan ka ng hininga, Ang mga tenga mo'y puno ng galak sa bawat tipa ng gitara, sa bawat indak ng bokalista. Pagmasdan ang mga dumaraan,pakinggan ang 'yong nararamdaman. Tunay ba s'yang kaibigan o isang tampalasan. Hayaan mong ang puso ang magdikta, hayaang ang isip magpahinga. Sa indayog ng musika, gumawa ng sarili mong mundong walang gulo't puno ng ligaya. Handa ka na ba?
READY, HEADSET, GO!"
Ang headset test.
Isa sa mga pamamaraan ko para makilala lalo ang sarili ko, Kung ano nga ba ang naiisip ko sa isang tiyak na oras at lugar. Isuot mo ang headset,magpatugtog ng trip mong music at hintaying umandar ang isip mo sa mga bagay bagay na nakakapangamba minsan pero kadalasan ay nakaka excite malaman.
Habang nakasuot ang aparatong lumilikha ng tunog, ang mga mata mo'y walang maririnig ngunit nakikita nya ang lahat ng emosyon sa paligid mo. Hintayin mo ang isip mong maghusga. May mga oras na makikita mo ang sarili na baka ikaw na ang pinag uusapan sa kabilang sulok ng mga "KAIBIGAN" mo. Tutal hindi mo naman sila naririnig, kaya nilang sabihin ang lahat ng gusto nilang sabihin kahit nakamulat pa ang 'yong mga mata.
pag nakaheadset ka,lahat ng emosyong makikita mo, Totoo.
Malalaman mo kung pinagkakatiwalaan mo nga ba ang nasa paligid mo, o baka pagdududa lang lahat ng naiisip mo.
Sa mundo kung saan musika lang ang maririnig mo, walang bola,walang yabang kang maririnig. Lahat base sa GALAW. lahat base sa kinikilos ng bawat isa. Baka mas mabango lang magsalita 'to pero mas totoo naman 'to.
Sa pamamaraan kong ito, nakikita ko kung ano man ang nakikita talaga ng aking mga mata at hindi ng kung ano ang naririnig ng aking tenga. Kadalasan ng mga salita ay pawang ilusyon lang. Mata ang magdidikta. Kilos ang huhusga.
Minsan kailangan mo mag-isa kahit sa classroom na puno ng maiingay na kaklase.
MInsan kailangan mo mag-isa kahit sa gitna ng mga pasaherong nag uunahan makauwi.
Minsan kailangan mo mag-isa kahit sa piling ng mga taong dumaraan para mamalengke.
Minsan nalolowbat rin ang music player mo, kailangan mo rin bumalik sa mundong puno ng ingay.
Hello world! Magandang araw sa'yo!
BINABASA MO ANG
Perspektib
Teen FictionKanya kanyang pananaw, kanya kanyang paniniwala. Eto ang version ko ng mundo. Tuloy po kayo!