Bagong TAONa'ko.

12 0 0
                                    

At pumasok na nga ang taong 2015, at wala pa naman pasok dahil sa lunes palang ang umpisa ng pasok.

Kamusta? Buo pa ba mga daliri mo? Ako, oo eto nakakapagtype pa naman ng maayos. 
Ni hindi nga ko humawak ng paputok this new year's eve e. 
Maliban sa delikado sa tao, e nakakaawa rin yung mga alaga kong aso dito sa bahay, takot na takot sa putok ng mga kwitis at paybstar.

Sigurado nakapag isip isip ka this vacation. Napaisip ka rin siguro tulad ko, na may kailangan baguhin o iimprove sa sarili mo, siguro may mga bagay kang gustong makuha noong 2014 at hindi ka nagtagumpay, at syempre susubukan mo ulit. Tama yan. H'wag kang susuko.

Bagong Taon, Bagong Tao na'ko. Yan ang sabi ko sa sarili ko this year, less bash, more friends.
Sa nakaraang taon, halos lahat ng tao, tinitira ko sa mga posts ko both intentionally and unintentionally.
Marami akong napakawalang "Ligaw na bara".

Pasensya na po sa mga nasaktan at natamaan. H'wag kang mag-alala hindi yan nakakamatay. 

Last year rin, di ako masyadong kumokonekta sa mundo sa labas. Halos buong taon, kaharap ko yung laptop at gitara. Madalang lumabas at ni hindi nga ata nakipag kwentuhan ng matagal. 
At higit sa lahat, wala akong naging kaibigang babae dahil narin sa sobrang bitter ko ata last year at sa mga nakaraang taon.

Naku, ikaw ganyan rin ba? May narealize ka bang mali o kulang?
Pwes, panahon na para bumawi. 
H'wag kang mag-alala ang unang hakbang lang ang pinakamahirap,dahil sabi nga sa Physics,
Mas mataas ang friction force ng static object kesa sa moving object.
Kapag naumpisahan mo na yan, tuloy tuloy na. Kaya 'wag kang matakot magbago. H'wag mo nalang pakinggan yung mga sasabihin nila, Kung alam mong tama, Tama yan mapanasa uso man yan o hindi.

Umpisahan natin ang taon ng may goal at bisyon.
Ako this year, magbabasa ako ng mga wattpad articles at mag oobserba kung paano nga ba mag construct ng isang magandang structure ng story.

Bara bara lang kasi ginagawa ko at walang basehan yung structure.
Promise, kung isa ka sa mga sumusunod sa article na 'to, na parang blog lang naman, ang susunod kong story ay isang story na.

At syempre, ang walang kamatayang "Papayat na 'ko this year."
May mga kaibigan akong sumuko na ata sa pagpapapayat.
Not me! Not now. Nakaka 1 min plank na 'ko e. Yey!

At isa pa, ang pagharap sa mga takot natin. Dahil hinding hindi gagalaw ang isang bagay kung may nakakalso, kung may pumipigil. 
The past years, natatakot talaga akong magmahal ulit, at tyempo naman na year of the pig ako, at sabi ng chinese calendar, magkakalove life daw ang mga pig. 
So gets ko na kung bakit ayaw magpapayat ng mga kaibigan ko. Para feel na feel ang pagka Pig.

Bilang panghuling salita, ikaw, kaibigan. 
H'wag kang matakot humakbang para sa pagbabago.
At least may ginawa, malay mo magwork
Kesa sa hindi ka gumalaw, edi wala talagang work.
Dahil base sa physics, sa pagkakaalala ko, Work is Force times distance.
Kung gusto mong magwork, kailangan mong mag move on.
Galaw galaw!

Happy New Year ! Salamat sa pagbasa. :)

PerspektibTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon