Chapter 31: Anastasia Catia

68 3 0
                                    

Nagising ako kinaumagahan dahil sa lakas ng katok sa pinto ng kwarto ko at sinabayan pa ito ng malakas na boses ni Lola. Napabuntong hininga na lamang ako bago bumangon para buksan ang pinto.

"Kanina pa ako katok ng katok para gisingin ka. Mag-ayos kana ng sarili mo at kakain na tayo and please wear something nice today, we're going to the mall." Aniya at tumango na lamang ako bago sinira ang pinto.

Padabog ako na bumalik sa higaan para matulog sana ulit pero ganon na lang ang pagbalikwas ko ng may umatok ulit. Ano ba ang problema ng mga tao ngayon?! Nagpapahinga ako!

"Alam kong bumalik ka mula sa pagkakahiga! Get up or else!" Banta ni Lola sa kabilang pinto.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang, nakakatakot siyang magbanta dahil totoong gagawin niya talaga ang mga sinasabi niya. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na rin kaagad ako at nadatnan siyang umiinom ng kape sa mesa.

"It's good to see that you wear dress. Starting today you can't wear shorts, jeans, and t-shirt. It's not good for your baby, and please eat healthy foods." Aniya at tumango naman ako.

Palihim ako na ngumiti knowing that she's excited for my baby. She rarely show her feelings but I know she support me from my decision.

Sa simpleng ginagawa niya ngayon ay napapangiti ako dahil alam kung galit lang siya sa akin itong mga nakalipas na araw pero ang pagmamahal niya sa akin ay mas lalong lumalago. Knowing her that she can't stay mad at me for a very long time.

Masakit lang siya kung magsalita at hindi kaaya-aya ang lumalabas na salita galing sa bibig niya pero hindi ko magawang magalit dahil ang pinapakita niyang aksyon ay kasalungat sa mga sinasabi niyang masasakit na salita. Therefore, She's only mad in words but not mad in action and in heart and I believe that action speaks louder than words.

"What are we doing here?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya sa mall. "Sa boutique na lang tayo."

"I love boutique when I'm the only one who go for shopping." She said. Ang kuripot.

Nasa department store kami ngayon at halos sampong minuto na kaming paikot-ikot pero wala parin kaming nabibiling damit. And as usual, may nakasunod na naman sa aming sales lady na nagtutulak ng cart.

"Why are we here?" I asked again

"Can't you see it? We're going to buy your maternity clothes and things that the baby needs." Aniya

"Lola! My tummy is still small and we're not yet sure if what is the gender of my baby." I said.

"As you said last time he's a he. You call him he and him." Aniya.

"Lola, haka haka ko lamang iyon."

"I believe it's a boy. The genes of Montelebano ay mas malakas ang kapit na lalaki, whatever you call it. Isa lang ang babae sa pamilya nila, si Rochelle na kapatid ng pinakamamahal mo and other than that? Asawa na lang ng mga anak ni Amara na lalaki." She said.

Hindi naman ako sumagot dahil may punto naman siya, pero sayang naman kung babae pala ang anak ko tapos panglalaki lahat ang binili namin. Lola bought an Avent baby bottle, napanguso naman ako dahil okay naman ito dahil transparent color lang, naisip niya rin siguro na sayang nga ang pera pag nagkataon na kasalungat ang pinili niyang kulay sa kasarian ng magiging anak ko.

I can't really believe that this day would come, bibili ako ng gamit pang bata para sa anak ko. Pero mas maganda sana kung si Reymart ang kasama ko were going to argue what's more bagay to our baby.

"Cath?" Biglang saad ng boses na babae at sabay pa kaming napalingon ni Lola.

Oh my god! It's Señorita Amara Gracialla. She's looking at us with a smile on her lips, si Lola ay nabitawan pa ang hawak na damit pang buntis habang isinusukat sa akin. Bakas ang panlulumo sa mata ni Lola at hindi na maipinta ang noo at kilay niya ngayon na nagkakasalubong na.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon