Chapter 32: Anastasia Catia

65 2 0
                                    

Pareho kaming tulala ngayon ni Lola sa sasakyan mula sa malalim na pag-iisip, simula ng matapos ang usapan namin tatlo ni Señorita Amara Villar ay naging tahimik si Lola, hindi kumikibo at panay ang buntong hininga. Ayaw ko naman siyang tanongin dahil sa sitwasyon namin ngayon ay alam kung susungitan niya lamang ako.

Bumaba ako sa sasakyan at sakto naman na lumabas ang mga maid ni Lola para kunin ang mga pinamili namin para sa magiging anak ko na magiging apo nilang dalawa. Lola and I tried to convince Señorita Amara that we will pay her but she refused to accept our cash, advance gift niya na lang daw ito sa magiging apo niya sa tuhod.

It's great to know that she is really excited to see my baby, the first born on the fourth generation of their family.

Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Reymart? Kung si Señorita Amara ay halos maiyak na ng malaman na buntis ako at nagpa-advance gift pa, ano na lang kaya ang parents ni Reymart. I'm not sure if they will like my child. Kinakabahan ako dahil baka hindi nila ako tanggapin at ang magiging anak namin ng anak nila.

"Matulog kana." Lola said at sininyasana ako na umakyat na, sinunod ko naman kaagad ang sinabi niya.

I guess she knows the best more than I do, naranasan niya ng mabuntis at maging isang ina kaya mas maganda na sundin ko ngayon ang mga sinasabi niya tungkol sa pagbubuntis ko.

Ala syete na ng gabi ng maka-uwi galing mall, matagal pa ang naging usapan naming tatlo kanina sa restaurant, akala ko ay isang oras lang kami roon pero naging tatlong oras. Pagkatapos non ay bumalik kami sa department store para mamili ulit, hindi nakuntento si Señorita Amara dahil pumunta pa kami sa groceries store para bumili ng pag-kain na makakabuti para sa pagbubuntis.

"Where are you going?" Lola asked in the next day.

"Basta, I need some fresh air." I said

"Is the air of aircon is not fresh?" She asked

"I said fresh air, Lola." I said

"Hindi naman lahat dapat ng fresh air ay kailangan mo pang pumunta kung saan saang bukid o dagat para makalanghap ka ng sariwang hangin. Aircon is enough." Aniya.

"Really, Lola?" Sarkastikong saad ko.

"Fine, though, it's a good idea nga naman." Aniya at pinaalis na ako.

Kaunti na lang ay iisipin kung sinasapiin siya o may sakit sa utak. Hindi niya ako pinayagan na umalis nang hindi kasama ang bodyguard at private nurse ko dahil gusto niya talaga sigurado na ligtas ako.

Nang makarating kami sa lugar na gustong gusto kong puntahan ay bumaba kaagad ako. May harang na at hindi na pwedeng makapasok, agad naman na may lumapit sa aking taohan.

"Ma'am bawal na po rito, private na po ang plantation na'to." He said.

"Mang Allan, hindi niyo na po ba ako naaalala?" Nakangiting saad ko.

Tinignan niya naman ako ng matagal, bakas ang gulat sa mata niya ng unti unti niya akong maalala. Mas lalong tumanda ni si Mang Allan, siya parin pala ang katiwala ni Reymart dito.

"Ma'am Catia? Ma'am Catia, hindi niyo naman kaagad sinabi na kayo yan. Ang tagal niyo na po hindi bumalik dito, eh si Sir Reymart halos dalawang beses sa isang linggo pumupunta rito." He said.

"Talaga po, mukhang natutukan na ang plantation niya."

"Ayy oo naman, simula ng dalhin ka niya rito ay pinaayos niya na kaagad ito. Hindi katulad dati na hinahayaan niya lang, ewan ko nga sa batang iyon." He said. "Halika, pumasok kayo."

Hinarap ko naman ang driver at nurse kong kasama at sininyasan sila na dito na lang sa labas mag hintay at ako na lang papasok. Hindi naman ako magtatagal, wala akong balak na mag tagal dahil gusto ko lang talaga makalanghap ng sariwang hangin.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon