Chapter 18: Anastasia Catia

50 3 0
                                    

Nilibot ko kaagad ang panigin ko ng magising ako. Bumangon ako at napahawak pa ako sa dibdib ko nang medyo sumasakit pa rin ito. I cried when I saw Lola sleeping on the couch. She looks tired and worried. Wala na akong ibang ginawa kundi magbigay ng problema at sakit sa ulo sa ibang tao. Why can't I be just an ordinary person?

Yung tipo sana na ako ang nakakatulong at nakakapagbigay saya sa ibang tao. Pero sa ngayon ako pa ang nagbibigay ng sakit, mas lalong lalo na kay Lola. Napatingin ako sa sarili ko dahil sa pamamagitan ng salamin na nasa harap ng hospital bed ko, I saw that I have NGT and dextrose, katulad din na nangyari sa akin noon when I was in Manila.

I really hate hospital because of the smell of medicine. Parang nakakaramdam ako ng samot saring emotion as mas lalong nangingibabaw ang lungkot, takot, at lalo na ng pag-asa sa kanilang mahal sa buhay.

I don't want to be here but I don't have a choice. Kung hindi ako pupunta sa hospital ay lalala ang sakit ko. Titiisin ko na lamang ang nararamdaman kong pagkadismaya kesa mamatay ako dahil lang sa ayaw kong pumunta sa hospital.

"Catia." Lola said.

Hindi ko lang naman namalayan na nagising na pala ito at naglalakad papunta sa akin. I manage to smile at her para sabihin na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi. I don't want her to worry.

"May masakit ba sayo? Okay kana ba?"

"Uhh yeah, actually I feel better now." I give her a smile.

"Are you sure?" Tinignan niya ako na para bang sinusuri ako nito.

"Yeah, I'm sure." Ngiti ko.

Tumango ito at nagpaalam na lalabas na muna dahil bibili raw ito ng pag-kain. Napatingin naman ulit ako sa pintuan ng may pumasok na Doctor, laking gulat ko ng makita ko si Rory.

"Catia?!" Aniya at nanlalaki pa ang mata

Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa gulat, halos aatakihin ulit ako dahil sa kaba. Bakit siya?!

"Ano? Bakit?--" utal na tanong niya at hindi rin alam ang sasabihin.

Lumapit kaagad ito sa akin, kahit ang nurse na kasama niya ay litong lito rin sa inakto ni Rory. Tumalikod ito at sininyasan ang nurse at tumango naman kaagad ito at lumabas.

"Ano nangyari sayo? Hindi ko tinignan kung sino ang pasyente na iche-check ko sa kwartong ito. Hindi ako makapaniwal na ikaw ang madadatnan ko, ano nangyari sayo? Doctor ako sa mga puso may s-sakit ka?."

"Rory---"

"Kailan pa? Alam ba'to ni Reymart? Narito siya ngayon, gusto mo tawagin ko siya?" She asked hysterically.

Nagulat at kinabahan naman ako dahil sa sinabi niya, ilang beses akong umiling at napahawak pa kaagad ulit ako sa puso ko kaya pati kahit siya ay kinabahan.

"Catia, kailan pa?" Mahinang tanong niya.

"One or two years ago. Hindi pa naman siya ganon kalala sabi ni Doctor sa akin pero nitong nakaraan panay ang sakit ng dibdib ko at kahapon lang ay nahimatay ako." I said

"Kahapon? Sabi ng nurse sa akin dalawang araw kana rito, she didn't mention your name at hindi ko naman kaagad ichenick ang memo." Aniya.

"Two days?!" Gulat ko.

"Hmm, ano ba ang nangyayari sayo? You should go back to Manila o mas mabuti sa America ka na magpagamot. Bawal sa rules namin na magtaboy ng pasyente dahil dapat bigyan pa namin ng first aid pero as a friend, you need an advance technology." Aniya at hinawakan ako sa kamay.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon