Chapter 36: Anastasia Catia

72 3 0
                                    

Warning: SPG!

"Oh my gosh! I am so excited!" Tili ng mga babae habang pasakay kami ng yacht.

Sinundo kami ng speedboat sa dulo nang tulay ng Casa Kalaw at inihatid sa yacht. Hindi pwedeng lumapit ang yacht dahil masyadong mababa ang tubig sa tulay.

Napatingin ako sa pabalik na speedboat kung saan nakasakay naman ang mga lalaki. They are so handsome and hot.

We're going to El Nido, I prefer that dahil mas maraming pupuntahan na magagandang isla at dagat doon. It's boring if we're just gonna stay at our Casa, good thing Kuya is here kaya mabilis na pumayag si Daddy.

"We're going to take a picture like what Catia posted on her instagram account. Yong nakatalikod tapos walang upper swimsuit." Rory said.

"No." I said. "Marami tayong kasamang lalaki."

"Mag-iinoman lang din yan sila mamaya. At si Andy ang gawin nating photographer tutal kalahi naman natin siya." Glaiza said at sinamaan siya ng tingin ng pinsan niya.

Malakas na music at nagbukas na kaagad sila ng champagne ng umandar na ang yacht. Naka-swimsuit na silang lahat maliban sa amin ni Roxy na may suot paring see through.

Narinig ko naman si Kuya na sumipol at nakatingin sa isang babae na kasamahan namin. Oh no, jerk!

Napa-irap na lamang ako. Ang landi talaga ng lalaking ito! Malapit ng mag trenta pero wala paring asawa kasi panay lipat sa iba't ibang babae.

"No, I can't." I said at inilayo ang vodka na ibinigay sa akin ni Glaiza.

"She doesn't drink anymore." Roxy said.

"Ay bakit? Akala ko maiisahan ka namin." Rory laughed.

Isinuot kona lamang ang sunglasses ko at sumandal sa adirondack chair na dala namin. Kasama ko si Roxy at Natasha na naka-upo roon, himala si Natasha na hindi umiinom. Si Roxy na natural na bawal talaga sa kanya dahil buntis siya.

Napatingin ako sa gawi ng ibang babae na nagsasayawan ngayon habang umiinom. Ang mga lalaki naman ay umuupo sa mahabang couch habang nag-uusap at nag-iinom din.

Roxy, Natasha and I choose to be under the sun habang naka-upo sa adirondack chair. Habang ang mga lalaki ay may silong, just want to have a dark skin.

"Ayy wow, for sale ba yang mga katawan niyo? Uminom naman kayo." Bea said sa aming tatlo na nag su-sunbatting.

"Hard pass, later na ako. Ayaw kong malasing baka may maka-sex na naman ako na wala sa oras!." Natasha said and smirked.

Praning lang ako siguro pero medyo nilakasan niya ang boses niya at tunog sarkastiko iyon. May narinig pa akong tumikhim galing sa gawi ng mga lalaki pero hindi ko nalaman kung sino dahil tinatakpan sila ng ibang babae na kasama namin.

"Who? Don't you have a boyfriend?" Roxy asked.

"Uh yon? Ewan ko." She said.

Napairap na lamang ako parang kakilala ko ring tao na hindi sigurado sa kinakasama nilang tao sa kama. Like Kuya, duhhh, that lunatic jerk!

"Ito naba yon? Nahihiya naman ang ganda ko, parang sinasampal ako ng view." Saad ni Rory habang nakatingin sa dagat at rock formation.

"Ang panget mo kasi." Andy said.

"Duhh mas panget ka. Ingrown lang kita noh." She fired back.

"Kadiri mo, ang yaman yaman mo pero hindi nagpapalinis ng kuko." Andy said.

I just laughed at them and take off my sunglasses before went to the couch at kinuha ang see through ko para isuot.

In just a second I heard a splash from the water, ako at si Reymart na lang ang naiwan sa taas ng yacht. Siya ay hinuhabad ang suot niya damit, maliligo na rin siguro.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon