Chapter 33: Anastasia Catia

69 2 0
                                    

Tulala parin akong nakatayo sa basement ng condo ni Andy, tulala sa daan kung saan doon lumabas ang sasakyan ni Reymart. Hindi ko aakalain na sasabihin niya iyon, he's tired?

Napasandal ako sa pader ng sumakit ang tiyan, huminga ako ng malalim at pumikit ng mas lalo itong sumakit.

"Miss? Miss, are you okay? Saan ang masakit?" Agad na tanong ng nurse ko.

Itinuro ko ang tiyan ko at ganon na lang ang paghinga ko ng malalim ng sabayan ito ng malakas na pag pintig ng puso ko. Tagaktak nang pawis ang tumulo mula sa noo ko at pakiramdam ko ay kakapusin ako sa hininga.

Naramdaman kong may bumuhat sa akin at kasabay non ang pag rinig kona umandar ang sasakyan. Halos hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Panay bigay ng instruction sa akin ng nurse at tango na lamang ang isinasagot ko.

"Emergency" Rinig kong sigaw ng driver ko at binuhat ako papalabas sa kotse.

Nagising na lamang ako ng maramdaman kong naging maayos na ang nararamdaman ko. I saw Lola talking to my nurse habang kasama ang Doctor, nang makita ako ng nurse na magising na ay tinawag niya kaagad si Lola. Sabay pa silang lumapit sa akin para alamin ang kalagayan ko, ngumiti lang ako sa kanila at panay tango sa mga tanong ni Lola.

"What happened?" I asked

"Over stress, I advice you to take a rest at lumayo ka muna sa mga tao o bagay na dahilan ng magkaka-istress mo." The Doctor said.

"Ano ba ang nangyari Catia?" Lola asked

"Nothing." Iling ko. "Bigla na lang sumakit."

"Catia, sasabihin ko ngayon sayo na hindi na safe ang dinadala mong bata. I gave you a medicine na pang palakas ng kapit pero sa ginagawa mo ay mas lalo mong pinapadali ang buhay ng bata na nasa loob ng sinapupunan. Rest and stay away from stress, that's what I want you to do." The Doctor said.

Parang dinamba naman ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na parang ikakagunaw ng pagkatao ko ng sabihin niyang hindi na healthy at safe ang bata. I want to keep this child amd maybe she's right, maybe I have to stay away from the people or things that makes me stress.

Hindi naman kaagad kami nagtagal doon dahil ng kinagabihan ay pinalabas na kami, mas maganda raw na sa bahay na magpahinga. At sinang-ayonan ko naman iyon dahil pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako sa hospital.

Nauna si Lolang lumabas kasama ang bodyguard para ayusin at ihanda ang kotse namin para mas kumportable ako. Nang matanggap ko ang text kay Lola na pwede na kaming bumaba ay tumayo na kaagad ako at inalalayan naman ako ng private nurse ko. Pina-upo niya ako sa wheeler at itinulak iyon palabas ng kwarto. I'm look like a disabled person, pwede namang maglakad na lang pero hindi raw pwede dahil nasa patakaran iyon ng hospital na dapat ihatid talaga ang mga pasyente sa labas nang naka-wheelchair.

"Catia! Oh my gosh!" Napatigil naman ang nurse ko mula sa pagkakatulak ng wheelchair at kahit ako rin ay nagulat dahil sa sigaw na iyon.

Now, I'm dead. Bakit ba ang malas ko! Parang nananadya talaga ang panahon sa akin at sa pamilya ni Reymart.

It's Rochelle Martina, nanglalaki ang mata at nakakunot ang noo habang nakatingin sa green board na naroon sa nilabas kong kwarto. Nakalagay roon ang pangalan ko, pangalan ng Doctor ko at kung anong number ng kwartong iyon.

"Doctor Quintes." She read. "She's an ob doctor....are you pregnant? Bakit ka naka-wheelchair?"

"Lila, can you leave us for a second?" Saad ko sa nurse at tumango naman ito bago lumayo sa amin ni Rochelle.

"Ano? Are you pregnant? Oh my gosh, alam naba ito ni Kuya? It can't be happening, he needs to know this." Aniya at inilabas ang cellphone mula sa bulsa ng Doctor's coat niya.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon