Chapter 2: Anastasia Catia

111 4 0
                                    

"Its nice to see you here again, Anastasia." My grandma said when I arrive.

"Me too, Lola. So how are you? Sorry ngayon na lang ulit ako nakadalaw."

"Ohh, don't mind me, you know I'm always fine." Aniya pero napalitan ang mukha niya ng pagtataka. "Why are still wearing a mask and a sunglasses? May sakit kaba? Wala naman ng araw."

"Wala lang, Lola. Trip ko lang suotin, bagong bili eh." Pagdadahilan ko.

"Hindi ka naman ignorante na kahit sa loob ng bahay ay magsusuot ka ng bagong biling sunglasses. Parang hindi ka naman ganyan, you always buy new things, I know you."

Napatutop naman ako dahil sa sinabi niya, mabuti pa sila, they know me more, more than myself. Dahan dahan kung hinubad ang suot kong sunglasses at mask, nakita ko paano magbago ang reaksyon niya into a mad woman.

"Your husband did that to you?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lola pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa marriage life ko.

"It doesn't matter anymore, Lola. Tapos na yon and I don't want to file a case against him, I don't want a scandal." Saad ko.

"It doesn't matter?! You're a woman, Anastasia! Hindi makatarongan ang ginawa sayo ng asawa mo. Nirerespeto at minamahal ang babae, hija, hindi ginagawang punching bag." Aniya.

"You don't know what you're talking about, Lola." Saad ko

I'm just protecting our image, everyone knows how rich our family is at ganon din ang pamilya nila Dominic. Isa kami sa pinakamayamang pamilya sa bansa at malaking kahihiyan ang ginawa ng asawa ko at kung ilalantad ko ito sa publiko ay mas lalong magiging mahirap sa akin at sa pamilya namin. I want to stay silent.

I just want a happy life, without my husband.

After all, its all my fault naman because I let my parents decide for whats good for me. I have my own life, I have my own mind and heart to make a decision for myself. But because I am Anastasia Catia, the obedient and soft hearted de Ayala.

Sunod sunoran sa lahat ng bagay na gusto ng magulang ko. Sunod- sunoran sa lahat ng gusto ng tao na nasa paligid ko. Hinayaan ko silang gawin sa akin ito, I deserved this kind of pain and guilt.

In the next five days I went to the mall to buy some stuff for myself, I brought bikinis and other essential things for what I need sa pagpunta ko sa beach. I decided to go to Dumaguete, just to have a vacation.

While Im walking around Ayala mall. I was checking for an online booking accommodation in Dumaguete.

Atlantis Dive Resort Dumaguete.

Not bad. It's so beautiful.

"Oh my god, I'm so sorry." Saad ko ng may mabangga ako.

Ipinasok ko kaagad ang phone ko sa bag since natapos ko na ang pagbo-booking. Hinarap ko ang taong nakabangga ko at ganon na lang ang gulat ko ng makita ang lalaki na kasabay ko sa eroplano nakaraang araw.

As usual he's wearing a sunglasses and mask again, is he infected? Hindi katulad ko ay sunglasses na lamang ang suot ko, not like him.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya baka infected talaga siya, Oh my gash, I'm being so judgemental.

"It's fine." Aniya at naglakad na paalis.

Hindi niya siguro ako namukhaan dahil nakayuko ito sa phone niya dahil may ka-text ito. Maybe, his girlfriend?

Sinundan ko pa ito ng tingin ng tumalikod ito paalis, sobrang suplado niya naman yata. I remember ng nasa airplane kami, good thing he didn't bother me again pero nong pababa na kami sa eroplano ay halos magtalo pa kaming dalawa kung sino ang unang lalabas.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon