Chapter 39: Anastasia Catia

81 3 1
                                    

"Good morning, Mrs. Montelebano." A staff said when I open my villa's door. I smiled at her, she's holding a tray full of foods.

It's been two days since we got here and I haven't seen Reymart. Well, of course hindi ko talaga siya makikita dahil dalawang araw na rin akong hindi lumalabas sa villa ko.

"Have you seen my husband?" I asked here ng pinapasok ko siya sa villa para ilapag niya ang pag-kain sa mesa na naroon sa loob.

"Ahh si Sir Reymart po ba? Nasa tabi tabi lang po yon, baka po naliligo sa dagat. Sanay na po kami pakalat-kalat yan dito." Aniya at tumawa.

Inayos ko naman ang suot ko ng pasadahan niya ako ng tingin. I'm just wearing a shorts underneath at tanging bra lang ang suot ko pang-itaas na tinatakpan ngayon ng hawak kong kumot. I'm just comfortable not wearing any thing.

"What do you mean?" I asked at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa taenga ko.

"Taon taon po bumabalik yan dito kaya familiar na siya sa amin. Sa limang taon na pabalik-balik niya rito Ma'am ngayon niya lang ulit kayo naisama. Tinatanong namin siya kung saan na yong asawa niya na kasama niya dati dito magbakasyon at ikaw po yon, pero sabi niya nasa America." Aniya.

"Bumabalik siya dito taon-taon?" I'm confused, para saan pa?

"Opo, kaya nga malaki na yan ang discount niya rito kasi tuwing pupunta siya dito ay sakto rin na nandito ang dalawang mag-asawa na may-ari ng resort kaya ayon. At nagulat nga po kami ngayon na hindi pa buwan ng octobre pero dito na siya tapos kasama niya na po ulit kayo." Kwento niya ulit.

"Ano ang ginagawa niyo kung pumupunta siya rito taon taon?" I asked liked a newscaster!

"Uupo sa tabing dagat nagmumuni-muni at minsan hindi lumalabas sa villa niya, ewan ko nga ho sa inyong dalawa bakit trip niyong hindi lumabas sa villa niyo minsan. Sayang ang bayad dapat po maligo kayo sa dagat o mag-jetski kayo."

I can't do that! I'm already pregnant for pete's sake!

"Well, thank you." Ngumiti ako sa kanya.

Tumango naman ito bago lumabas sa villa ko, sobrang daming pag-kain at pakiramdam ko ay pang-isahang araw na ito! Sa loob ng dalawang araw ay ganito palagi, hinahatiran ako ng pag-kain na sobrang dami na hindi ko naman nauubos!

Pagkatapos kong kumain ay naligo naman kaagad ako para matulog na naman ulit. For others it's boring pero sa akin ko ay sobrang gaan sa pakiramdam  itong ginagawa ko. Sinasabayan pa ng hampas ng alon na mas lalong nakakagaan sa pagkatao ko.

Ang sarap nilang pakinggan. It's like they are telling me a story. A story to tell and a story worth to keep.

A story to share and a story to treasure. And that's our story.

"Ma'am, hindi kona po kayo ginising kagabi kasi po ang sarap ng tulog niyo. Galit po asawa niyo bakit hindi kayo kumain kagabi." Biglang saad ng babae na naghatid din sa akin ng pag-kain kahapon.

"I'm sorry, nakatulog ako." I said at inayos ang kama.

"Parang buntis ka naman ho kung matulog." Aniya at hindi ko naman siya sinagot.

Well, I am.

"Ibig mong sabihin ay nakita mona siya?" I asked her.

"Opo at sana lumabas na kayo. Ang asawa niyo po namumula na ang balat kakaligo sa dagat pero ikaw maputi pa rin." Aniya.

"Maybe, tomorrow." I said at ngumiti naman ito sa akin at tumango.

Hindi ko alam kung bakit nag liwanag ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Ayaw niya naba ako rito sa resorts nila? I just shrugged and went in  the bathroom to take a shower before I eat my breakfast.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon