Chapter 7: Anastasia Catia

69 3 0
                                    

"So do you mean umuwi na yong pogi mong kalandian?" Roxy asked.

"Yeah, it's kinda sad." Saad ko.

We're having a face time again in our group chat dahil sobrang boring kona dito at wala na akong maisip na gawin pa. It's been three days since Reymart Martin went home, hindi na rin ako lumabas sa villa ko na nakasanayan ko dati ng hindi pa ito dumating sa resort. Tinatamad na akong lumabas dahil pakiramdam ko ay wala na ring kwenta kasi wala na akong kasama, I thought being alone is fun, but it's not! It's suicidal!

"What kind of landian is that? May expiration? Load kayo girl?" Natatawang tanong ni Bea.

"Stop it, i told you guys, we're just friends." I lied.

"Girl, sa susunod bago lumandi kumain ka ng carrot para sa susunod mong harot hindi ka na machacharot." Natasha said.

They all laughed because of what Natasha said, we talked for almost an hour before we decided to turned off the call. Nagbihis ako ng black two piece swimsuit at sinuotan ito ng see through. Ilang araw na akong nakakulong sa villa ko, maybe it's time to go out and enjoy my remaining days here in resort. Naisip ko na sayang ang pera na binayad pag hindi ko sinulit ang bakasayon na to at baka pag bumalik ako sa syudad ay pagsisihan ko na hindi ko in-enjoy ang bakasyon nato.

I opened my instagram account and I saw it's been a month since I posted a picture at nasa bahay pa ako non ni Lola. Isinandal ko ang phone sa lounge chair ko at nilagyan ito ng timer, I make a posed and when I heard the click of camera ay lumapit na ulit ako sa lounge chair ko. Sometimes it's not bad pala na ikaw na lang mismo ang kumuha ng sarili mong litrato.

I smiled and posted it on my instagram account, it was a stolen picture. I'm looking at the right side while laughing kahit wala namang nakakatawa. I'm married but I'm still a millennial, gagawin ang lahat para lang makakuha ng magandang litrato para sa sarili.

Alone in paradise, again.

That's my caption and I hope Reymart won't see it since we followed each other back on instagram.

Bea: Gosh, so whipped!

Natasha: sarap masaktan, mas lalong gumaganda.

Roxy: Alagang stranger.

Tumawa na lamang ako dahil sa comment nilang tatlo sa litrato ko, they are so crazy!

I missed  their craziness sometimes. Way back in our high school that was the best day of my life. Sobrang saya, parang walang problema sa buhay, ang tanging prenoproblema namin ay ang thesis, projects at assignments. And worse, papel ang mas lalong problema sa buhay naming estudyante, yong pakiramdam na handa na yung tanong sa test pero kami ay naghahanap at nanghihingi pa ng papel sa kabilang room.

"Mrs. Montelebano?" Rinig kong tawag kaya napatingin ako sa deriksyon na pinanggalingan ng boses.

Every staff is calling me Mrs. Montelebano, ultimo waitress at waiter na nakakakilala sa akin ay ganon ang tawag sa akin. Hindi na rin ako kumukontra dahil iyon na ang nakasanayan na tawag sa akin dito sa resort.

"Mango shake, from your husband, Mr. Reymart Martin Montelebano." Anito.

"Is he here?" Napabangon pa ako mula sa pagkakahiga sa lounge chair.

Ngumiti ito at umiling kaya nanlumo ako, matamlay akong sumandal ulit sa lounge chair. Dahan-dahan kong inabot ang fruit shake at nginitian ang waitress. Mukhang tanga na ako rito na umaasang darating pa siya, imposible!

Baka ngayon ay magkaasyos na ulit sila ni Mia, baka ngayon ay naghahanda na ulit sila para sa kasal nila na matutuloy na, baka ngayon ay may date sila ni Mia. I was crying inside. I'm not being a bitch pero masakit talaga.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon