Chapter 35: Anastasia Catia

66 3 0
                                    

In the next day we went to bayan of El Nido to celebrate Roxy's  birthday, it's really great na sumakto talaga ang pag punta nila dito para sa kaarawan ni Roxy. We really wanted to go here before but of course their parents won't let them at sa limang taon ay nanatili rin ako sa America, binibisita nila ako twice a year doon so it was a fast recovery for me, they are so helpful in my life.

And after I saw Reymart liked my photo I decided to log out my account, I didn't know that we are still following each other. Matagal ko na ring hindi nabubuksan ang instagram ko dati and then I deactivated my account after three weeks. Ngayon ko lang talaga nabuksan ulit ang mga social media account ko, tapos pinilit pa ako ng mga kaibigan ko na gawin iyon.

I really thought that Reymart already unfollowed me, hindi pala. He's so mature naman to the point that he didin't choose to unfollow me or maybe he just really moved on.

Pero may parte sa pagkatao ko na umaasang hindi niya ako in-unfollow dahil gusto niya pa rin makita ang mga post ko. That's weird but I hope so.

"Grabe na rin yang boyfriend mo dai, apat na besis tumawag sa isang araw. Ang totoo? Boyfriend mo ba yan o nanay?" Natasha said to Bea.

"Boang, nangangamusta lang at binati ako ng magandang umaga, wag ka ngang ano! Inggit ka lang." Irap na saad ni Bea.

"Huyy bakit naman ako maiinggit sayo, panget mo." Natasha fired back.

"You guys shut up, we're here to relax." I said, nasa tabi kami ngayon ng dagat habang nakadapang higa. There are three nanay who's massaging our back at pakiramdam ko ay ang laking tulong nito.

"Grabe ang sarap sa feeling." Roxy said habang nakapikit ang mata.

Mabuti pa siya at nafe-feel ang ginagawa namin dahil ako ay medyo hindi, sobrang ingay ni Natasha at Bea to the point that they're  throwing a towel to each other.

Magkatabi kami ngayon ni Natasha at sa harap naman namin ay si Bea at Roxy, magkaharapan kaming apat pero ang ka-line ko ay si Bea kaya natatamaan ako tuwing mag gagantihan sila ng tapon.

"Ah talaga? Mas masarap pa sa sex?" Tanong ni Bea at napamulat naman kaagad si Roxy.

"Huy ano kaba!" Napamaan si Roxy.

"Ahh feeling innocent, wag ka ng mahiya. Ako inaamin kong mas masarap to kesa sa sex." Bea said.

"No, mas masarap parin yung unang choice." Natasha said and they both laughed, umirap na lang si Roxy dahil pinagtutulongan na naman siya.

Pinagtataka ko lang ay hindi nila kailan man binanggit sa akin si Reymart o kung ano ang nangyari sa akin. I know that they really wanted to ask, maybe they are just considerate about my feelings.

Halatang halata sa mukha nila na gusto na nilang magtanong dahil tuwing magtutuksoan sila about sa boyfriend at sex ay napapatingin sila sa akin pero iiwas din kaagad na para bang sinusubukang pigilan ang sarili.

"Nakakadiri kayo! Sobrang bulgar niyo naman." Roxy said.

"Asuss ang galing galing mong sumisid sa dagat, sino ang lalaki mo ha?" Bea asked

"Wala akong lalaki!" Roxy defended herself, yung mukha niya ngayon ay hindi na maipinta. "Matagal na kami nong hiwalay."

Hindi katulad kanina na panay ngiti niya dahil feel na feel niya ang ginagawa sa amin.

"Asuss." Tukso nila.

"Huyy wala!" Namula naman kaagad si Roxy.

"Hala siya, hala siya! Namula meron talaga to!" Natasha said.

"Oo na, pero hindi ko kilala. And fine I'm not a virgin anymore! Hindi ko kilala kung sino ang naka-one night stand ko!" She spat.

Natahimik naman kaming lahat ultimo ang nagma-massage sa amin ay huminto saglit. Hindi ko akalain na kakagat siya sa panunukso ng dalawa, napaamin siya ng wala sa oras.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon