Chapter 40: Reymart Martin

99 3 0
                                    

Naka-upo ako while listening to the music when there's a woman who passed by in front of me. Damn.

Napatingin ako sa babae na umupo sa kabilang gawi na may suot na face mask at sunglasses. Anong trip nito? I smiled when the announcer said that the airplane flight back to Bacolod is already here.

Nasa harap ko ang babae na akala mo ay artista na sobrang tago ang mukha. Na-aamoy ko pa ang pabango niya at nililipad ang buhok niya sa mukha ko, ang sakit.

Pshh, isinuot kona lang ang sunglasses ko at kagaya niya ay nag-mask din ako. Mahirap na, baka hindi artista to, baka may dalang virus na nakakahawa.

Inilabas ko ang phone ko para tawagan si Mia, may inaasikaso ako rito sa Manila at nagkataon naman na nagkakalaboan na kami. Naghiwalay na kami pero hindi naman ako pumayag kaya inayos ko at naayos naman pero ilang linggo lang dahil kagabi ay tumawag ito na gusto niya na talagang makipag-hiwalay sa akin.

Kumuha ako ng ticket pauwi ng Bacolod as soon as possible. Sobrang tagal na namin tapos makikipaghiwalay lang siya.

I tried to call Mia, ayaw niya na talaga.

[ I said ayaw kona, I don't love you anymore.]

"Fine, just don't give me that fucking excuses."

[ Anong gusto mong sabihin ko? Ayaw kona sayo, may iba na ako. ]

"Let's work this out, no. Hello?"

Fuck! She ended the call.

Someone is looking at me. Hinarap ko ito, it's the artist girl. Nakikinig pala, nakakunot pa ang noo nito.

"Did you enjoy listening?" I asked the woman who got my attention earlier.

"No. I-I'm sorry, Sir." Parang bata ang boses niya. Baka bata talaga to, naging matangkad lang.

"Nahh, it's fine. I'm Martin." I said.

Kahit may suot siyang sunglasses ay alam kong tumingin ito sa kamay ko dahil medyo yumuko pa ito.

"Ahh, I don't tell names." Umiwas ng tingin.

Parang bata ang boses niya, mukhang pribado ang buhay nito. I can tell it, iwas na iwas ang mukha sa ibang tao.

"Oh my god, I'm sorry." Saad ng nakabangga sa akin.

Ang sakit non, hinayaan kona lang. Nagmamadali ako, marami pa akong gagawin. Si Mia ayaw na talagang bumalik, nag-sayang pa ako ng pera pa-uwi dito. Nagalit pa sa akin si Daddy dahil bigla na lang akong umuwi na hindi pa tapos ang pinapagawa niya sa akin. I'm a doctor, not a businessman!

"Ako ang naunang nakakita, So it's mine." She said.

It's the infected woman again.

"Ako ang naunang nakakuha. So it's mine, Miss." I said trying to pissed her.

"Finders keepers." She said.

So I'm the loser... pero syempre hindi ako pumayag.

I smirked.

"Napaka mo!" Gigil na sigaw niya.

Napaka ano? Gwapo?

Nagmartsa naman kaagad ito paalis, natawa na lamang ako dahil ang boses niya ay parang galit na bata. I think she's beautiful, natatakpan lang talaga ng face mask at sunglasses ang mukha niya.

Sana makita kopa ulit siya, ang sarap niyang inisin. Parang si Rochelle lang, pero hindi nama yon napipikon. Pag inaasar ko siya mas ako pa ang unang napipikon.

Muntik na ako makabangga ng kotse! Hindi ba siya marunong tumingin kung may palabas na sasakyan?!

Binuksan ko ang bintana ng kotse, the fuck! Baka ipakulong pa ako nito. Sayang ang reputasyon ng pamilya ko.

Midnight Lovers -Negros Series #1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon