Chapter 20
"Sup, 'yo!" Cool na salubong sa'min ni Tristen na may hawak pang fries ng Jollibee.
Ngayon ang isa sa mga pinakamaligayang araw ng buhay ko. Sobrang espesyal ng araw na 'to kaya napagpasyahan kong makipagkita sa mga kaibigan ko sa McDonald's—na lagi naman naming ginagawa, though.
Today is that day. Ang tagal kong naghintay at halos hindi mapakali dahil buong akala ko ay hindi na darating ang araw na 'to.
I'm so glad. My happiness can't be measured by any instruments. Parang sasabog ang puso ko dahil sa sobrang kaligayahan.
Paulit-ulit na lang ang sinasabi ko—I know, I'm aware of that. Basta ang point ko lang, sobrang saya ko talaga.
Why?
Because today is... Saturday.
"Ugh! Fuck hangover!" Dinig kong daing ni Tristen pagkaupo niya pa lang. Uminom pa yata ang gago bago isinagawa ang misyon niya kagabi.
Napailing na lang ako. Kailan kaya siya magbabago?
"Hangover?" Biglang ngumiwi si Edith. "Baka nga lasing ka pa, eh! Nagpunta ka rito sa McDo tapos sa Jollibee ka bumili? Ayos ka lang?"
"Bakit? May batas na ba ang McDo na nagsasabing... bawal bumili ang mga customer nila sa ibang fast food chains?"
"Wala, obviously! But don't you know you are disrespecting McDo?"
Napamasahe ako ng sentido ko. Heto na naman kasi ang another episode ng walang kwenta nilang pag-aaway. Minsan talaga nagtataka ako, eh. Bakit ko ba sila kinaibigan?
"Disrespecting my ass! Ang korni mo!"
"Ha! Baka nakakalimutan mong nabuo ang friendship natin dahil sa McDo?"
"Tandang-tanda ko iyon!"
"Iyon naman pala, eh! Why are you acting like an asshole, then?"
"Ano bang asshole? Mukha ba akong butas ng pwet?"
"Oo! Pati nga amoy, nakuha mo rin, eh!"
"Shut the fuck up!" Pumagitna na ako sa dalawa. Masiyado silang nakakarindi. "Gusto niyo bang sumunod kay Justice sa ospital?"
Mayabang na tumingin sa'kin si Tristen. "Nakaalis na si Justice sa ospital."
"Weh?" Sabay naming tanong ni Ingrid.
"Oo nga!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Akala ko ba ay isang linggo siya roon?"
"Seryoso bang naniwala kayo ro'n?" Tatawa-tawang aniya. "Set-up ko lang iyon, 'no! Alam ko kasing takot si Hustisya sa multo kaya kinausap ko 'yong doktor na pagtagalin ang pag-s-stay niya sa ospital! Ang talino ko, 'di ba?"
Nasaan na kaya ang gunggong na iyon? Maski sa group chat ay hindi siya nagpaparamdam! "Sayang, akala ko tuloy sobrang lakas ko."
"Malakas ka naman talaga—"
"Tristen." Pagsingit ni Edith. "Hindi pa tayo tapos, sa'kin ka makipag-usap."
"Ano na naman ba, Meredith?" Nanlumo ang kaibigan kong babaero. Kahit ako rin, eh. Seryoso ba talagang pinag-aawayan nila iyon?
Nag-aaksaya lang sila ng oras.
"Don't use that tone to me."
"Whatever..." Sambit niya at saka biglang tumayo. Napatingin naman kaming tatlo sa kaniya.
"Saan punta?" Tanong ni Ingrid, naunahan ako.
He smirked. "Just watch."
Kumunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang gagawin ng isang 'to? I swear, kapag gumawa siya ng kalokohan right now, pipilipitin ko nang bongga ang leeg niya.
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...