Chapter 17
"Doc, gaano pa po ako katagal dito?"
"One week is enough for your recovery. Minor injury lang naman at nadala ka kaagad dito sa ospital."
Sabay-sabay kaming napakamot ng ulo habang pinapanood na lumabas ang doktor sa kwarto.
One week, really?
Bakit ganoon katagal?
"Gago ka, Diana. Kasalanan mo 'to." Mangiyak-ngiyak na ani Justice.
"Ha! Ako pa ang may kasalanan?" Dinuro ko ang sarili ko. "Eh sino kaya sa atin ang malakas ang trip na maghamon ng away?"
"Prank nga lang kasi iyon, 'di ba?"
Dinampot ko ang vase na nasa tabi ko. Akmang ibabato ko iyon sa kaniya nang pinigilan ako ni Ingrid.
"Prank? Gago ka ba?" My fingers pointed Tristen. "Halos madurog ang panga ng adik na iyan dahil sa pagsuntok mo! Nakalimutan mo na ba?!"
Napayuko na lang siya. Akala naman niya ay nagiging kaawa-awa siya sa paningin ko? Ulol! Kung alam niya lang kung gaano ko siya gustong balian ng leeg, baka matakot pa siya!
"Okay lang ako, sweetie! Don't 'ya worry!" Sabat ni Tristen kaya inis ko siyang pinandilatan.
"Shut up!"
Justice ended up lying on the hospital bed after I twisted his arms twice. Nakakapikon kasi. Nag-eskandalo sila ni Tristen at nagsapakan—halos magpatayan pa nga kanina, eh! Then it turns out... prank lang pala lahat ng iyon?
Eh 'di ayan, isang linggo siyang naka-admit sa ospital.
"Paano na iyan?" Nanlulumong aniya. "Hindi na ako makaka-attend sa party bukas!"
Nalukot ang mukha ko. Palibhasa ay mangongolekta na naman siya ng babae kaya ganiyan siya mag-react. Tss.
Ngumiwi si Edith. "Pwede pa naman, ah?"
"Weh? Sabi ng doktor?"
Umiling ito. "Naka-wheel chair."
"Wheel chair? Hello, braso ang nabali, hindi paa!"
"Hello? Mag-cast ka, huwag kang tanga!"
"Tama na nga iyan." Pag-awat ni Ingrid. "Ano bang plano niyo sa party bukas? A-attend ba kayong lahat?"
I almost forgot. Freshman party nga pala bukas.
"Yes, oo naman!" Sagot ng isa pang babaero. "Since gabi ang usapan, mandadagit ako ng—"
"Stop!" I cut him off. "Ano bang akala mo sa mga babae, Tristen? Bagay na pwede mong kolektahin?"
Ngumisi siya nang nakakaloko. "Pagkain! Mandadagit ako ng pagkain! Gusto mo bang samahan kita sa simbahan bukas para malinis ang isip mo? Oh my Lord. Bakit ba may kaibigan akong mahalay?"
I rolled my eyes. "Not gonna buy your excuse. Dinamay mo pa ako sa kahalayan mo. Kung mayroon nga lang grammy award para sa pinakamagaling mambabae, ikaw ang unang makakatanggap niyon."
"Tapos pangalawa ako?" Sabat ni Justice.
My lips parted. "At proud ka pang babaero ka? Gusto mo bang baliin ko pati ang kabila mong braso?"
Nag-sign of the cross siya bigla. How ironic. "Lord, magbabago na po ako."
"Bakit ba napunta sa pambababae ang usapan?" Si Ingrid. "A-attend ba kayong lahat?"
"Yeah." Tamad na sagot ni Edith.
"Um-oo na ako kanina, 'di ba?" Si Tristen.
I shrugged my shoulders. "I'll join, too."
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...