Chapter 9
Lalong tumindi ang buhos ng ulan nang makalabas ako ng bahay pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ang mahalaga lang sa'kin ay makita ko si Lola.
Saan naman siya susuot ngayong dis oras ng gabi? Huwag mo sabihing... nakikipag-majong pa siya sa mga amiga niyang multo?
Malabo iyon!
I didn't bother to get an umbrella or something to cover up my head. Hindi ko na naisip iyon. Ano naman kung mabasa ako? Ang mahalaga lang sa'kin, masiguro kong ligtas si Lola.
"Ang lamig, Diana. Bakit hindi ka nagpayong?" Bulong ni Ella sa'kin.
"Kailangan ko nang makita si Lola..." Desperada nang sabi ko.
"Nasaan na ba kasi si Grandma? Bakit bigla na lang siyang nawala? Ano namang trip niya sa buhay?"
"Shh!" Pinatahimik ko silang dalawa dahil may narinig akong kumakanta.
Naglakad ako hanggang sa makarating sa kubo namin. Mayroon kami niyon sa likod-bahay na siyang ginagawa naming pahingahan kapag mainit ang panahon.
Kinapa ko ang switch ng ilaw. Ayaw gumana. Ayaw sumindi. Bahagya akong napapalatak dahil sa inis.
"Anong ginagawa natin dito?" Gela whispered. "Nakakatakot. Ang dilim..."
A ghost is scared? How ironic.
"Huwag kayong maingay." Sinampa ko ang isang paa ko sa kubo, trying to lessen the noise. Tuloy-tuloy ang paghakbang ko sa loob. Napahinto lang ako nang may matanaw akong isang anino ng batang lalaki na nakatalungko sa sulok ng kubo.
There he is.
Nakatalikod siya mula sa akin. Ang likot ng mga galaw niya. Para bang may pinagkakaabalahan na kung ano.
"Rain rain, go away. Come again another day... your little stalker wants to play, rain rain go away."
What's that song?
I bit my lip.
The lyrics... never heard of that.
Suminghap ako bago napagpasiyahang lumapit sa kaniya. Nag-alangan ang kamay ko na hawakan ang kaniyang likuran kaya hindi ko na lang tinuloy ang plano kong iyon.
Dahan-dahan akong sumulyap sa harap niya. Mayroon pa rin siyang pinagkakaabalahan. I wonder what is that.
God. Nag-sign of the cross ako. I am really nervous—lalo na't hindi ko pa rin nakikita ang lola ko!
I am gasping for breath as I looked on what is he doing. Patuloy pa rin ang pagkanta niya gamit ang nakakatakot niyang boses at...
Halos bumaliktad ang sikmura ko nang makitang sinasaksak niya ang katawan ng lola ko!
Para akong napipi habang pinapanood siyang gawin iyon. Gamit ang isang matalim na kutsilyo, hugot at baon ang ginawa niya para saksakin ang tiyan ni Lola. He's having fun playing with my grandmother's blood.
Sa pamumutla ng mukha ni Lola at dahil sa mga nakadilat nitong mga mata, masasabi kong binawian na ito ng buhay.
Napakurap-kurap ako.
No, no!
"Rain rain, go away. Come again another day. Your little stalker wants to play, rain rain go away..." Pakanta-kantang aniya at binaba ang kutsilyong puno na ng dugo. Using his bare hands, he grabbed my grandmother's intestine. Sumama ang ekspresyon ng mukha ko habang pinapanood siyang gawin iyon.
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...