Chapter 69

18 2 0
                                    

Chapter 69

“Diana? Nandito ka na pala? Kanina ka pa hinahanap ni—” Bahagya kong tinampal ang bibig ng kadarating lang na si Rio.

Maingay siya masiyado.

“Kunin mo muna ‘to...” Inabot ko sa kaniya si Cha na kanina pa tahimik habang nagmamasid-masid sa paligid. “Ingatan mo, ha? Baka ilibing ako nang buhay ng mga magulang niyan kapag nagalusan iyan.”

Kunot noo niyang kinarga si Cha. “Bakit ba—”

“Mamaya mo na lang ako kausapin...” I cut him off. “And please, pakisabi kay Justice na huwag siyang pumasok sa loob. Pati na rin ikaw...” Sigurado kasi ako na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusap namin mamaya.

I’m really mad.

Iniwan kong tulala si Rio sa labas. Alam ko namang hindi niya papabayaan si Cha dahil may anak na rin siya. Marunong na iyon sa mga bagay-bagay.

At saka... takot lang niya sa akin! Bubukulan ko siya, eh!

I opened the door immediately. Wala nang katok-katok tutal ay office naman namin 'to.

Agad na natigilan si Drakeson sa kaniyang ginagawa nang makita ako. Pilit siyang ngumiti at umayos ng tayo.

“Diana...”

Ni-lock ko muna ang pinto bago siya hinarap.

“Anong ginagawa mo rito?” I am trying to hold back my anger first. Iipunin ko muna para mas solid kapag nilabas.

“I was waiting for you...”

Lumapit ako sa kaniya. Hinila ko ang swivel chair sa desk ni Hustisya at umupo roon.

“Bakit?”

Napakamot siya ng ulo at umupo. “I felt bad for leaving you last time.” Ang tinutukoy niya siguro ay ang pang-iiwan niya sa akin noong dinner. “Magkano ang bill? I’ll pay for it.”

I scoffed. Talaga lang, huh? “It’s fine, na-handle ko na.”

“No, let me at least pay for it.”

“It's okay, Drakeson.” Sarkastiko akong ngumiti. “Sapat nang kabayaran ang pagsira mo riyan sa mga paper works ko...”

Hindi man lang siya nagulat. Sa halip, tinaas niya lang ang isang pusa na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Wow! May props, halatang prepared. Ang kapal talaga ng mukha niya.

“Sorry about that. Hindi ko kasi namalayan na sinisira na iyan ng pusa ko.”

He doesn't look apologetic at all. “Bakit naman magdadala ka ng pusa sa office?”

“Galing kami ng vet, dumiretso lang ako rito to see you.”

Napatango ako. “Ah... ganoon ba?”

“Yes. I’m really sorry... ”

Tinawanan ko siya sarcastically. “Baka mayroon pa?”

“Mayroon pang ano?”

“Palusot?” Nagsisimula nang tumaas ang anger level ko. Masiyado siyang maraming dahilan. “You know... just be honest. You can do that instead of secretly ruining my life. Mas better pa.”

“I didn't really—”

“Shut the fuck up, will you?” Kumulo na talaga ang dugo ko. Hindi ko maatim ang pagiging denial niya. “I saw you! Hindi mo na kailangang i-deny! You did that on purpose!”

Natahimik siya. Tumayo naman ako at nagpaikot-ikot sa harapan niya.

“Kailangan ko nang i-submit ang papers tomorrow...” Natatawa kunwaring sabi ko. “Patapos na ako, eh. Kaunti na lang. Kaso... paano na ngayon? I have to start all over again.”

My Childhood Stalker (Rain Series #3)Where stories live. Discover now