Chapter 35
"Why do you keep on staring at me like that? Hindi nga ako natulog doon magdamag!"
Pinagkunutan ko siya ng noo.
Why is he so defensive?
We are now in the car, heading home. I mean—me and Drakeson.
"Kabawasan ba sa pagkatao mo kung aaminin mo iyon?"
I really have this feeling na roon siya nag-stay all night. Ewan ko ba sa lalaking 'to kung bakit ayaw niyang aminin. I'm the one who is supposed to feel bad, hindi naman siya.
Iritado niya akong tinignan. "Kakarating ko nga lang doon, ano namang aaminin ko sa'yo?"
"Ows, talaga ba? Eh bakit mukha kang puyat?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Just admit it already. Ayoko nang nagkaka-utang na loob ako, alam mo iyan."
"Bahala ka na kung anong gusto mong isipin." Masungit niyang aniya. "Anyway, your mom left yesterday."
"Oh? Bakit?" Iyon nga pala ang gusto kong itanong sa kaniya, nawala lang sa loob ko.
"I don't know. Ibinilin ka lang niya sa'kin. Alagaan daw kita."
"Ah, so... ikaw na ang tatayong ama sa pamilya namin?"
His lips parted. "Do I have a step-father image to you?"
"Medyo?" Lumabi ako. "Pero wala ka talagang idea kung saan ang punta ni Mommy?"
He shook his head.
"She even left her phone to you? Wow, grabe pa rin pala ang tiwala niya sa'yo kahit alam niyang tinarantado mo ako."
"Kung makapagsalita ka naman ay parang niloko kita."
"Parang ganoon na rin kasi 'yon. Mas masakit pa nga 'yung ginawa mo, eh."
"Why are you suddenly bringing the past back? Mommy mo ang topic natin kani-kanina lang."
Umingos ako. Ba't ka kasi rumebat kung ayaw mong pag-usapan? "Eh 'di ako na mag-a-adjust. Sure ka talagang hindi mo alam kung anong lakad niya?"
"Hindi nga." Para bang sawang-sawa na siya sa pagsagot sa mga tanong ko. "She just said goodbye to me, left her phone, and left."
Angas ng nanay ko. Nagpaalam sa kapitbahay namin pero sa sariling anak hindi.
"Bakit naman pati phone niya ay iiwanan niya pa?" Naitanong ko na lang. She usually brings her phone every time na aalis siya so... nakakapagtaka talaga. "What is she wearing? Something extravagant? Elegant? Deodorant?"
"She's wearing a dress. And she looks extra pretty that day. I don't know if it's just me pero... iyon ang tingin ko."
Napatango-tango ako. Kunwari may idea pero wala naman talaga deep inside.
Kapag hindi pa siya nakabalik until this day ends, tang ina, ewan ko na lang kung anong mangyayari sa'kin. I will become anxious—na hindi naman na rin bago sa'kin. But this time, mukhang ibang level na ng anxiety. Out of normal na kasi 'tong pinagagagawa ni Mommy.
"Who's that guy?" Biglang tanong ni Drakeson. Akala ko ay tuluyan na 'yong nawala sa isip niya, hindi pa pala.
Napabuntonghininga ako.
Iyan na naman siya sa pesteng tanong na 'yan. Kagabi pa siya nangungulit tungkol diyan and it really pisses me off.
"Bakit ba?"
"I just want to know..."
"Kakilala lang." Napapangiwi kong sagot. "Ano? Satisfied ka na?"
Naningkit ang mga mata niya. "You slept with someone you just knew?"
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...