Chapter 33
First day dealing with this pain sucks. Hindi ko na mabilang kung ilang estudyante ang nabangga ko dahil sa sobrang lutang ko mula kaninang umaga. I even spaced out when I was at home. Pinanghilamos ko sa mukha ko ang feminine wash, ginamit kong mantika ang tubig habang nagluluto ng breakfast, and I threw my phone inside the trash bin.
What a good way to start a morning. Ang maituturing ko lang yatang magandang pangyayari ngayon ay hindi ko nakita si Drakeson.
Huwag na sana siyang lumabas ng bahay!
"Punta tayong arcade mamaya..." Ngumunguyang ani Hustisya.
Lunch na namin. Muntik pa nga kaming hindi magkasabay-sabay dahil medyo salu-salungat ang mga sched namin.
Kumunot ang noo ko. "Arcade? Why so random?"
"Para libangin ka, obviously." Umirap si Edith.
"Libangin?" Umasim ang mukha ko. "Pinagsasasabi niyo? I'm not suicidal o kung ano pa mang iniisip niyo. Tss. Paranoids."
Maaaring malungkot ako pero hindi naman ako 'yong suicidal type. Bago ako sumuko, sisiguraduhin kong patong-patong talaga ang mga problema ko sa buhay para medyo complex naman ang case ko kapag namatay ako.
"We are just worried..." Si Ingrid. "Malay ba namin kung anong tumatakbo riyan sa isip mo?"
"Wala pa namang kalaman-laman ang utak mo. Kasyang-kasya riyan ang mga suicidal thoughts, panigurado."
Sinipa ko ang paa ni Tristen mula sa ilalim ng mesa.
Asar. Wala man lang comforting words? Quotes? Advices? Phrases? Ha! Wala siyang kwenta! Mabuti pa si Drakeson, nagawa niyang pagaanin ang...
Agad akong napasimangot sa isiping iyon.
What's with my mind? Na-comfort ba ako ni Drake? Hindi naman, ah! Kailan naman niya nagawa iyon? Wala akong matandaan! As if naman magagawa niya iyon!
At bakit ko ba siya iniisip? He's way too annoying!
"Wala ka talagang utang na loob, 'no?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Matapos ka naming tulungan makawala sa kulungan, ganiyan ang igaganti mo sa—"
"Oo na, oo na. Ang ingay mo. Niloloko lang naman kita, eh." Tumusok siya ng siomai at isinubo iyon sa'kin.
Napangiti ako.
Mas lalo talagang sumasarap ang pagkain kapag libre.
"So, ano? G?" Si Justice, nakakibit ang balikat. "Sa arcade, I mean..."
"Sure!" Masayang sabi ko. "Miss ko nang magbola roon."
I love that game. 'Yong basketball ba? Lagi kasi akong nagpupunta roon simula noong nag-college ako. Nahinto lang dahil... as you can see, I am busy these days.
"Kayo? May sched ba kayo mamaya?" Tanong ni Hustisya sa tatlo.
Umiling si Tristen at Edith. Si Ingrid naman ay tumango kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Well..." Napakamot siya ng ulo. "I was planning to go out with Finn later."
Ah, love life naman pala, I thought mayroon siyang klase.
Pero in fairness, sunud-sunod ang score ni Finn sa kaniya. Malamang ay masayang-masaya ang isang 'yon sa buhay pag-ibig niya—na inasa lang naman niya sa'kin.
"But I'll cancel it." Biglang sabi niya sabay ngiti. "Friends muna before anything else."
"Sus." Agad kong pagre-react. "Kapag 'yan, bullshit sinasabi ko sa'yo... makakatikim ka na ng tae for the first time."
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
De Todo[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...