Chapter 45
"I thought you were leaving?"
Napanguso ako at siniksik ang ulo ko sa kaniya. Isang panibagong araw na naman ng aming usual na paglalandian.
Pumikit ako.
"Five more minutes..."
"Kanina pa ang five minutes na iyan."
Why the hell is he so persistent?
Sininghalan ko lang siya. "I don't want to talk with them!"
Maging siya ay napabuntonghininga na lang din.
Ang sabi ko sa kaniya, I am gonna sleep here tonight, whereas, he's persuading me to go home and discuss my feelings to my parents—which is very hard for me!
At isa pa... I want to solve the mystery behind his weird behavior. Pero kung ganito namang nakokonsensiya ako... how?
"Ilang araw ka nang hindi umuuwi sa inyo..." Mahinahong aniya. "Alam kong hindi pa ganoon kagaan ang pakiramdam mo but can you at least... try to talk to them? They may have reasons."
"Kahit anong reason pa ang sabihin nila, hindi ko pa rin iyon tatanggapin." Matigas na sabi ko. "Hello? My father just cheated! Nambabae, in tagalog, kung hindi mo pa naintindihan. I can't act like it's not a big deal!"
"Exactly my point. How can you just let a big conflict be unaddressed?" Tinitigan niya ako. "If you're trying to escape, it's not a good idea..."
Hindi ko naman iyon tinatakasan totally. Hinihintay ko lang talaga na maging handa ako bago harapin iyon. I can't break down in front of my parents!
"Ayos na ba iyon para mabago ang isip mo?"
Nanliit ang mga mata ko. I suddenly remembered his conversation with my mother—noong araw na ginalaw ko ang kaniyang phone at aksidente itong napadpad sa messages niya.
"Why do I have this feeling na... kakuntsaba mo si Mommy?" Tanong ko sa kaniya. "Did she ask for your help? Para mapauwi ako?"
"Actually..." Nag-iwas ng tingin ang loko. "She did."
Good boy.
Nagkunwari na lang ako na walang alam.
"Wow, siya pa ang kinakampihan mo ngayon?"
"Of course not." He defensively said. "That happened few days ago. Hindi ko sinunod ang gusto niyang mangyari because... I am... considering your feelings. But now, I have thought that maybe... it's time for you to face it."
I know, I know. And I am sincerely happy about the fact that he did that for me.
Tinitigan ko siya. "Kapag umuwi ako, hindi na ako babalik dito. Okay lang sa'yo?"
He nodded.
"Talaga?"
"Yeah. Pwede namang... ako ang pumunta sa'yo."
Napangiti ako pero agad ko ring 'yong pinigilan. Muntik ko na namang malimutan na naiinis nga pala ako ngayon.
Punyeta!
"Kinilig ka na agad?"
Kusang tumaas ang kilay ko. "Ang galing mo, eh. Nag-training ka ba para mapasaya mo ako o sadyang... marami ka lang talagang experience?"
Tumawa siya. "You're finally back to the mood, huh? Ganoon ba ka-effective ang pag-attend ko ng seminar?"
"Eh 'di wow."
"I'm serious. I actually went to some... women thing... seminar."
Hindi makapaniwala akong tumingin sa kaniya. "Weh?"
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...