Chapter 70
I woke up after I felt the stinging pain on my leg. Pakiramdam ko ay tinataga iyon nang paulit-ulit dahil sa sobrang sakit nito.
“Fuck this!” Singhal ko at nahihirapang tumayo sa kinauupuan ko.
Nasaan ba ako?
I am in an empty house and it’s not familiar. Para itong inabandona na hindi ko maintindihan. Mayroon kasing ilang mga gamit pero mukhang hindi na iyon nag-f-function.
Saan ba ako dinala ng tang inang si Andy?
Umupo na lang ulit ako sa upuan. Napadaing pa ako nang bahagya dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Drakeson sa akin.
“Wow, paano ko pa nakuhang isingit ‘yon dito?”
Napailing na lang ako at napatingin sa sugat ko. Grabehang saksak pala ang tinamo ko mula kay Andy. Hindi kaya... maubusan pa ako ng dugo nito?
I slightly lifted my shirt. Buong pwersa ko ‘yong pinunit hanggang sa makakuha ako ng kapirasong tela. Ito na lang ang ipangtatakip ko sa sugat ko. This will surely help to compress my wound.
Naka-ilang mura ako habang hinihigpitan ang tali sa binti ko. This is a pure torture! Literal na parang sinagasaan ng tren!
“Gising ka na pala...”
Napahinto ako at nag-angat ng tingin. That’s Andy’s voice, obviously.
“Ano bang plano mo sa akin?” Napairap ako. “Masiyado nang maraming genre ang buhay ko, huwag mo nang dagdagan.”
He just laughed. May sa demonyo talaga ang lalaking ‘to. “Hindi ako pwedeng makulong.”
Ako naman ang natawa. “Tarantado ka pala, eh! Gagawa-gawa ka ng kagaguhan tapos ayaw mong makulong?”
Baliw!
Nanliit ang mga mata niya. “Huwag kang pumunta sa korte bukas.”
“Huwag mo akong utusan. Boss ba kita?”
Paano ba kasi siya nakaalis sa kulungan? Masiyado siyang matinik!
“Hindi ka ba natatakot sa akin?”
“Mas natatakot ako sa uubusin kong pera dahil sa sasakyan ko. Tang ina mo, nakakadalawa ka na, ah!”
Actually, hindi talaga ako kinakabahan. I mean—why would I? Kaya kong lumaban, hello! Baka nga pagkatapos ng araw na ‘to ay siya na ang hostage ko.
Pinandilatan niya ako. Nilabas na naman niya ang pangmalakasan niyang kutsilyo. “Papatayin kita!”
Mayabang akong nag-angat ng tingin. “Go ahead! Kung gusto mong magpatong-patong pa ang kaso mo.”
“Wala akong pakialam! Tatakas na ako rito!”
I shook my head. “May saltik ka ba?”
“Ano bang—hoy! Seryoso ako! Papatayin talaga kita rito!”
Medyo nabawasan na ang sakit ng binti kaya nagawa ko nang tumayo nang hindi dumadaing.
Ano bang in-e-expect niya? Na matatakot ako sa kaniya? No way! Bukod sa kaya ko siyang pataubin anytime, gusto ko na rin mamatay! Baka sakaling makonsensiya si Drakeson kapag ganoon ang nangyari, hindi ba?
“Look, Andoks...” Mahinahon kong sabi sa kaniya. “Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kahit mamatay ako ngayon, tuloy pa rin ang kaso mo. Walang deperensiya. Utak mo lang ang mayroon.”
Sa mga ganitong pagkakataon, ito lang ang masasabi ko.
If you are afraid of someone, don’t make it too obvious. Pull some stunts! Act cool! Kapag hindi mo iyan ginawa at ipinakita mong natatakot ka, lalo lang mabu-boost ang confidence nila. Lalo lang silang matatakam sa pananakit sa’yo.
YOU ARE READING
My Childhood Stalker (Rain Series #3)
Random[COMPLETED] Third and Last story out of Rain Series. Dear, Mr. Whoever you are, "Rain, rain go away, come again another day your little stalker wants to play, rain, rain go away.." T'wing maliligo ako at sumasabay ang buhos ng ulan, I always hear yo...